Ilang senador ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa pagkakapatay ng awtoridad sa siyam na aktibista sa magkakahiwalay na operasyon sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal.
Sinabi ni Senador Grace Poe ang anumang operasyon ng pulisya ay dapat na sumusunod sa due process, “the Constitution states that ‘no person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws’.”
Aniya mandato ang mga tagapagpatupad ng batas na tiyakin na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin.
Hinanap naman ni Senador Francis Pangilinan ang body cameras na hiningi ng PNP at pinondohan na ng P289 milyon.
Hiningi niya ang paliwanag ng PNP sa pagkaka-antala sa pagggamit ng body cameras na aniya ay napakahalaga sa mga operasyon.
“Why are these cameras not being used? It should not be too complicated to use one. Is there a deliberate delay in utilizing these cameras?” Without the body cameras, the ‘nanlaban’ excuse of the police for killing their captives would always be under a cloud of suspicion,” sabi nito.
Ayon naman kay Sen. Panffio Lacson, na dating hepe ng pambansang pulisya, hindi makakatulong sa pag-iimbestiga sa mga pangyayari ang anuman konklusyon.
Diin niya dapat ay magkaroon ng malinaw na pamantayan ang mga opisyal sa pagsasagawa ng operasyon ng kanilang mga tauhan para matiyak na ang mga armado lang ang nagiging target.