Arci Muñoz: Ang galing talagang ‘mambudol’ ng BTS, pero go lang nang go!

MULING ibinandera ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz ang pagiging adik sa K-Pop lalo na sa kanyang super favorite na BTS.

At dahil nga medyo matagal-tagal na ring hindi siya nakakagawa ng BTS-related vlog sa kanyang YouTube channel, nagdesisyon siyang mag-upload uli kamakailan para na rin sa mga kapwa niya ARMY (tawag sa fans ng K-Pop group).

“Makikita niyo rito sa kwarto ko ang napakarami kong persona. And today, since matagal na akong hindi nakakagawa ng BTS content. Content nga lahat sa YouTube ko BTS na pala,” simulang pagbabahagi ni Arci.

In fairness, talagang hindi magpapahuli ang dalaga pagdating sa mga pag-aaring BTS merchandise collection na itinuturing na rin niyang mga “baby.”

“Hindi ko namamalayan, eh. Kasi parang sa ngayon, ito talaga ang nagbibigay ng happiness sa akin and I would love to share it to all of you.

“Ito mga bagong dating na mga babies natin, but not-so-little babies. They’re so big. They’re so soft wala na akong mahihigaan sa kama ko. Ang tulog ko, nasa gitna ito na sa gilid. Tapos gusto ko kayakap silang lahat,” masayang pahayag ni Arci.

At wala rin siyang pakialam kung gaano pa kamahal ang mga bago niyang koleksyon basta ang mahalaga, happy siya, “Ang galing talaga mambudol ng BTS. Nabudol ako ng matindi.”

Kabilang sa mga bagong bili niya ay mga plush pillows, vitamins at ang  mobile phone na ineendorso ng BTS. Ngunit ayon sa dalaga, ang “greatest budol of them all” ay ang kanyang BTS danjang fashion doll ni Jimin.

“The greatest budol of them all, isa po ‘to sa mga na-ultimate budol ako — ay ang limited edition na danjang hanbok x mattel BTS doll. This is limited edition. And since it’s a bit pricey, si Jimin lang ang na-grab ko.

“Kasi super limited edition na 1,000 toys lang all over the globe. I was so tempted to get all of them, but it’s gonna be so expensive. Pero naghahanap pa rin ako.

“Hinahanap ko ‘yung anim pa ngayon na alam ko na hindi pala sapat ang isa. Basta sa happiness naman talaga gagawin natin sige kahit mabudol-budol tayo ng ilang beses,” chika pa ni Arci.

Read more...