Sey mo Gerald sa hugot ni Bea: Here’s to time…time that heals all wounds, time as the ultimate truth teller

MATAPOS umamin ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto, nagparamdam naman si Bea Alonzo sa naging realization niya tungkol sa kahalagahan ng “oras.”

Sa kanyang Instagram, nag-post ang ang aktres ng ilang litrato na kuha sa short vacation niya sa Zambales kasama ang kanyang pamilya.

“I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!” bahagi ng caption ni Bea.

Dugtong pa ng dalaga, “These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for.”

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, ipinagdiinan ni Bea ang naging realization niya hinggil sa oras at kung paano niya ito ginamit sa pagmu-move at paglalantad ng katotohanan.

“So, here’s to TIME! Time that is best spent with family, time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER! Have a great weekend guys!!” aniya pa.

Maraming nagkomento sa IG post ng aktres na may konek ang mga hugot ni Bea sa pag-amin ni Gerald na totoong girlfriend na niya si Julia.

Sa interview ni Boy Abunda kay Gerald, sinabi ng binata na super happy siya sa piling ni Julia kasabay ng pagdedenay sa isyu ng ghosting o basta na lang niyang iniwan si Bea nang walang paliwanag o closure.

“I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can’t… I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ‘yung image ko or ‘yung side ko.

“Ganito lang po ‘yun. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition?

“Or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic… Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap,” paliwanag ng hunk actor sa paghihiwalay nila ni Bea.

Dagdag pa niya, “After months and months and months and months of being on the rocks and puro away, I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two.”

Read more...