IKINASAL na ang aktres na si Empress Schuck sa kanyang long-time boyfriend na si Vino Guingona sa isang intimate garden wedding sa Tagaytay kahapon, March 6.
Makalipas ang ilang taong pagsasama bilang partners in life, nabigyan na rin ng basbas ang kanilang relasyon at bilang mag-asawa.
Hindi nagbigay ng detalye sina Empress tungkol sa kanilang wedding kaya nasorpresa ang kanilang mga kaibigan at tagasuporta nang ibandera nila sa social media ang naganap na kasalan.
“Just married,” ang bahagi ng caption na nakalagay sa post ng Nice Print Photo kung saan naka-tag din ang wedding venue na Hillcreek Gardens Tagaytay.
Ayon din sa nasabing post, suot ni Empress ang napakaeleganteng bridal dress mula sa designer na si Aoui Regala kung saan kitang-kita ang inilagay na pearls, beads at Swarovski crystals.
Tinernuhan ito ng aktres ng “pair of custom bejeweled white heels.”
Kung matatandaan, ibinalita nina Empress at Vino ang kanilang engagement sa mismong 5th birthday ng anak nilang si Athalia noong September, 2020.
Nito lang nagdaang February ginanap naman ang bridal shower actress-turned-vlogger na isinabay na rin sa kanyang 28th birthday.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi rin ni Empress ang kanyang saloobin nang mag-propose sa kanya si Vino.
“And so this day has become even more special. Its not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping vino arrange this, to my parents’ blessing.
“A new chapter begins for me. And I know by walking with God together, we are on the right path. The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon. Praise be to God,” pahayag ng aktres.