Hugot ni Janus na ‘You do not destroy someone you used to love’ patama kay Gerald?

PARA kay Gerald Anderson nga kaya ang mga ipinost na mga “hugot quote” ng kaibigan ni Bea Alonzo na si Janus del Prado?

Magkasunod na ibinahagi ng character actor sa kanyang Instagram account ang dalawang makahulugang mensahe tungkol sa pakikipagrelasyon.

At ang paniniwala ng mga netizens, patama ito kay Gerald matapos ibandera sa madlang pipol na totoong karelasyon na niya ngayon si Julia Barretto matapos ang ilang buwang pananahimik.

Anila, isa ito sa naisip na paraan ni Janus para iparamdam sa kaibigang si Bea ang kanyang suporta matapos ngang “lokohin” umano ni Gerald ang aktres at ipagpalit kay Julia.

Ito’y sa kabila naman ng pagdedenay ni Gerald na basta na lang niyang iniwan si Bea matapos ang tatlong taon nilang relasyon. Aniya, ilang buwan daw naging “very toxic” ang pagsasama nila ng dalaga hanggang nagdesisyon na siyang “hindi na magpapakita kahit kailan”.

Kasunod nga nito, nag-post si Janus sa IG hinggil sa paglaban sa pamamagitan ng pagtahimik lang, “Let them talk and dig their own grave while you win in silence.”

Maraming nag-comment na netizens na may konek ang hugot ng aktor sa break-up nina Bea at Gerald. Nagpasalamat din ang fans ni Bea kay Janus dahil sa pagmamahal at pagtatanggol nito sa aktres.

Ilang IG followers din ni Janus ang tumawag kay Gerald na “katawa tawang sinungaling”, “echoserong frog” at kung anu-ano pang masasakit na salita gamit  pa ang hashtag #boycottgeraldanderson.

Sumunod dito, isa pang quote ang ipinost ni Janus na may koneksyon sa paninira sa taong naging bahagi rin ng iyong buhay. Feeling ng mga nakabasa nito, patama pa rin ito kay Gerald.

Sey ni Janus, “No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.”

Nauna nga rito, umamin na ang Kapamilya hunk tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia na nagsimulang pag-usapan noon pang 2019.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Gerald na in-upload sa YouTube, tinanong ang binata kung totoong “masayang-masaya” siya ngayon.

“You are happy,” sabi ng TV host.

“Yes, Tito, I am,” sagot ni Gerald.

Sundot ni Boy, “Are you happy because of Julia?”

“Very happy,” diretsong tugon ng aktor. Ulit niya, “Very happy, Tito Boy. It’s a yes.”

At nang tanungin uli siya kung si Julia ba ang dahilan ng kanyang napakatamis na ngiti, “Yes, Tito Boy… It’s a yes, very happy.”

Read more...