HINDI naman nagkukulang ng paalala ang mga magulang ng bagong Kapuso loveteam na sina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso ngayong nasa showbiz na rin sila.
Very soon ay mapapanood na ang kauna-unahang Kapuso series ng dalawang showbiz royalty na “First Yaya” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Sa nakaraang panayam ng entertainment media kina Cassy at JD, ibinahagi ng dalawa ang mga advice ng kanilang celebrity parents upang magtagal sa mundo ng showbiz.
Una nilang ibinalita na ngayong buwan ay sasabak na uli sa ikatlong leg ng kanilang lock-in taping para sa “First Yaya”. Huli silang nagsama-sama sa ikalawang leg ng kanilang production last January.
Ang “First Yaya” ang unang acting project nina Cassy at JD para sa isang serye at aminado ang dalawa na mixed emotions ang naramdaman nila sa pagsabak sa pag-arte.
Sabi ni JD, “Nanibago ako from all the productions that we do, from All Out Sundays and Studio 7 but now that we’re doing a teleserye, mas masaya siya.
“Now that we’re doing a lock-in taping, of course, you’ll follow the protocols and everything but we still get to enjoy with each other and like make kuwentuhan with all the other artists, and I get to learn tips and other advice lalung-lalo mula sa mga nag-a-acting na since they were kids like si Thou (Reyes),” pahayag ng anak ni Manila Mayor Isko Moreno.
Sey naman ng dalagang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, “I have to agree with JD. It’s really, really different kasi growing up, sanay na ako sa mga commercial, and then after commercials, puro variety shows, and then coming into this, I thought na ‘Ah I’m pretty sure it’s sort of the same.’
“It’s not the same at all. It’s super, super different, and ngayon ko na-realize na ‘Wow, nakakapagod talaga siya.’
“It’s so different but then it’s so fun. Parang gusto ko ‘yung pagod ko. I don’t know, I guess ‘coz everyone’s there too and siyempre I’m with JD a lot. I’m always with JD. Always,” lahad pa ni Cassy.
Chika pa ni Cassy, ang laging paalala lang sa kanya ng magulang ay huwag magpapatalo sa nerbiyos, “’Yung parents ko kasi they let me play around on set.
“Parang ako bahala na sa sarili ko and it’s up to me to find my own methods, but one thing that really stuck with me was it’s normal to be nervous but it’s also useless to be nervous.
“Kasi kapag nervous ka it’s really gonna affect your acting so parang na-realize ko, ‘Oo nga naman.’ ‘Yung I’m here to perform, I’m here to have fun and ayun, after thinking about that parang na-realize ko, ‘Oo nga ‘no. Why am I nervous? I love what I’m doing naman.’ So ayun, very simple but very hard to do,” aniya pa.
Sabi naman ni JD, “Ako naman po, sa akin madali lang. Ang sabi ng Papa ko to just listen. Like ‘yung listen na ‘to, ‘just listen’ is very simple and you can use it in a lot of aspects in showbiz.
“In how I can use it naman during acting is to get a good reaction or real reaction from the scene, I just have to listen talaga to anong sinasabi ng co-actor ko sa eksena na ‘yun.
“Ayun, para totoo talaga. You really have to listen, not hear it. Listen talaga. ‘Yun lang, simple but nagagamit ko sa lahat ng bagay,” pahayag pa ni JD.