Ice, Liza 8 years na: Thank you for being the best wife, lover, jowa at lahat lahat na!

WALONG taon na ngayong magkarelasyon ang celebrity couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño.

Ngayong araw, sa kanyang Instagram account, ibinandera ng OPM icon sa buong mundo ang kanilang 8th anniversary ni Liza as a couple.

Sa caption na inilagay niya sa picture nila together, pinuri ng singer ang kasipagan at kabutihan ng loob nito. Tinawag pa niya ang asawa na kanyang “best friend,” “critic” at life partner.

“Walong taon na ang nakaraan mula nang binigay mo ang iyong matamis na ‘oo.’ Walong taong punong-puno ng buhay, kulay, at ligaya,” simulang mensahe ni Ice para sa Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Patuloy pa niya, “Thank you for always being there. Especially sa mga panahon na kailangan ko nang matinding yakap at kausap.

“Thank you for be my bestest friend, my number one fan, my worst critic (yes, dinaig mo na si Caridad Seguerra sa pagiging critic). You continuously help me grow not just in my artistry but bilang isang tao.

“Thank you for being the best wife, lover, jowa, at lahat lahat na. You are my wholesome dreams and my naughty thoughts, rolled into one,” patuloy pa niyang pagpapahayag ng pagmamahal kay Liza.

“I’ve never felt more safe, secured, respected, needed, wanted, and loved. I hope napaparamdam ko rin sa iyo yun parati.

“Mahal na mahal kita, ex-jowa. Buti na lang sinagot mo ako. Swerte mo, no? Happy 8th jowaniversary!!!!!” dagdag pa ni Ice.

Ikinasal sina Liza at Ice sa California noong December, 2014. Nagkaroon din sila ng “symbolic ceremony” dito sa Pilipinas noong January, 2015.

Read more...