Benjamin kinausap ang yumaong ama sa pamamagitan ng FB; Paul nagpakilig sa OST ng ‘Lost Recipe’

MALAPIT sa puso ni Benjamin Alves ang kanyang character sa Kapuso romcom series na “Owe My Love” na si Doc Migs Alcancia.

Aniya, kahit paano raw kasi kinaay nailalabas niya ang mga gusto niyang iparamdamdam sa kanyang yumaong ama.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ben ang message niya sa kanyang late dad at kung paano niya ito laging naaalala sa katauhan ng veteran actor na si Leo Martinez.

“I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez).

“I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son,” pahayag ng Kapuso hunk actor.

Ganito rin ang naging sagot niya sa #KPRGAsks sa Facebook page ni Kapuso PR Girl, “Lahat po ng mga linya ni Doc Migs, yun po ang feelings ko toward my dad. ‘Yun po ang pinakahugot for me for the character na Doc Migs.”

Tiyak kaming marami rin ang nakaka-relate sa karakter ni Ben bilang isang mapagmahal na apo. Kaya naman tuloy lang ang pagsubaybay sa kuwento ni Doc Migs Alcancia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

* * *

Hindi lang charm at galing sa acting ang isine-share ni Paul Salas sa “The Lost Recipe,” kundi pati na rin ang talent niya sa pagkanta.

Si Paul ang umawit ng “Tama Ba o May Tama Na,” na kabilang sa OST ng nasabing fantasy-romance series.

Ang single ay produced ng Playlist Originals at available na for download sa iba’t ibang digital platforms worldwide.

Tila saktong-sakto ang kanta sa mga nangyayari ngayon sa trending series ng GMA Public Affairs dahil palakas na nang palakas ang nararamdaman ng karakter ni Paul as Frank para kay Chef Apple (Mikee Quintos). May pag-asa nga ba siya sa kanyang “match”?

Tuloy ang pagpapakilig at pagbabahagi ng yummy recipes sa “The Lost Recipe,” pagkatapos ng “24 Oras” simulcast sa GTV.

Read more...