Bianca insecure noon sa pagiging morena: Mas maitim yung tuhod ko sa iba, pag may peklat ako sobrang itim

MATINDI rin ang naging laban ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa pagiging insecure noong kanyang kabataan.

Isa na nga riyan ang morena niyang balat, “I think ang insecurity ko ay usually insecurity din ng mga morena.

“Ito ‘yung hindi pantay na kulay, lalong lalo na nu’ng nasa grade school ako, high school ako, ‘yung parang proseso ng learning to love yourself pa ‘yun ‘di ba, kapag mas bata ka,” simulang kuwento ni Bianca sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Patuloy niya, “So, napapansin ko na mas maitim ‘yung tuhod ko kaysa sa iba. ‘Pag may peklat ako sobrang maitim kumpara doon sa iba. Ang tagal mawala nung peklat, or kung may pimple ang tagal nu’ng mark.”

Ayon pa sa celebrity mom, talagang nilabanan niya ang kanyang mga insecurity sa buhay hanggang sa natutunan na niya itong tanggapin at mahalin.

“Ang insecurity I think hindi naman siya nawawala. Matututo ka lang na mabuhay with it.

“And ang feeling ko diyan sa insecurity, kung in-accept mo siya about you, kahit anong bashing mga tao tungkol sa ‘yo, tungkol sa bagay na ‘yun, dahil alam mo siya sa sarili mo at accepted mo siya, okay ka,” paliwanag niya.

Malaki rin daw ang naitulong ng kanyang pamilya para mapagtagumpayan ang kanyang insecurities.

“For me, malaking part ‘yung family. Ako kasi, morena ako, ‘yung ate ko, morena rin at ang ganda ganda, ang poise pose.

“So, growing up in my family, never sa akin pinaramdam ng kapatid ko or ng magulang ko na dahil maitim ako, ‘mas pangit’ ako. Walang ganun.

“Nakikita ko na lang siya sa mga commercials, ‘di ba minsan may commercial na ikinukumpara ‘yung maputi doon sa maitim. Or sa mga magazines, dati mas konti talaga ‘yung representation ng mga morena.

“Ang laki-laking factor nung pamilya para maramdaman nu’ng bata growing up na beautiful ako sa kung ano ako, sa kung anong meron ako. Maputi man o maitim, ito ako. Beautiful,” lahad ni Bianca.

Ito naman ang message niya sa madlang pipol, “Ang kalaban talaga ay feel ng insecurity. Kasi ang insecurity, battle na ‘yan sa sarili mo ‘di ba?

“Tina-try mong i-accept talaga, and ‘yun kaya ‘yun. It’s a battle you can win kumbaga. Pero ang pinaka-delikadong mangyari kapag you have an insecurity is to compare pa yourself to others.

“Although human nature ‘di ba na ico-compare talaga natin, try as much as possible na ‘wag kasi iba iba tayo, eh. Kanya kanya talaga tayo,” magandang paliwanag pa ni Bianca.

Wish naman niya, sana’y maiparamdam din niya sa mga anak ang suporta at ang unconditional love na ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya.

“Sana ‘yung parehong love and support na naramdaman ko habang lumalaki ako ang sukli ko doon ay sana ‘yun ang mapakita ko sa mga anak ko para lumaki silang secure, feeling loved,” mensahe pa ni Bianca.

Read more...