“It’s not true.” ‘Yan ang maikling reaction ni Kane Errol Choa, ABS-CBN Corporate Communications Head, sa aming chika na hanggang April na lang ang long-running TV series na “FPJ’s Ang Probinsiyano”.
Wala na raw iri-release na official statement ang network about the issue.
Ang isa pang nakarating sa aming chika ay next week na ang final taping ng nasabing teleserye.
Sa report naman ng isang entertainment website yesterday, March 3, sinabi nitong katatapos lang ng “sixth cycle of lock-in taping for the series” at ang “seventh cycle is next month”.
Samantala, sinabi naman ng entertainment editor na si Ricky Lo na extended pa raw hanggang July ang show niya.
“#Tuloy!!! …FLASH: Coco Martin’s long-running Kapamilya action series “FPJ’s Ang Probinsyano” has been extended until July this year, just two months short of its 6th anniversary,” say ni Ricky Lo sa kanyang Instagram account.
“Got this good news from somebody who is involved in the production”.
“Premiered in Sept. 2015, the series chronicles the exploits of the ‘unkillable’ cop Cardo Dalisay played by Coco. Continue watching it on A2Z and other Kapamilya channels. Right on, Coco!!!” dagdag pa niya.
Malayo na ang narating ng aming sinulat as it was picked up by some publications including online portals.
But we’re certain na malapit nang matapos ang nasabing show. This year, malamang na mangyari na talaga iyan.
Kayo ba, ano sa tingin n’yo, matatapos na ba ang “Probinsyano” o hindi pa? Gusto n’yo bang tapusin na ang kuwento ni Cardo Dalisay o mas type n’yong tumagal pa ito ng ilang taon?