Muling nagkrus ang landas ng dalawang aktres sa taping ng Kapuso real-life drama anthology na “Tadhana” at dito nga sila nabigyan ng chance na ayusin ang hindi nila pagkakaintindihan.
Hindi man idinetalye nina Aiko at Maricar ang dahilan ng kanilang away noon, ang mahalaga naayos na ang kanilang issue at maaari na uling magsimula at mag-move on.
“Natural lang parang dati pa rin siya. Sabi niya lang, ‘Mare,’ gumanon siya agad kasi kinalabit ko siya kasi nakatalikod siya,” ang pahayag ni Maricar sa panayam ng GMA nang kumustahin ang kanilang pagkikita.
“Ang gaan parang nagkaintindihan kami na tapos na, that’s it. Parang nag-heal lahat,” sabi pa ng aktres.
Pahayag naman ni Aiko, “We didn’t have to talk about what happened.
“Siguro ganu’n talaga kapag real friendship na wala nang usapan kung ano ‘yung mga pinagkasamaan n’yo ng loob basta ang importante maayos kayo and then you’re there for each other,” aniya pa.
Unang ibinalita ni Maricar ang pag-aayos nila ni Aiko sa pamamagitan ng social media. Ipinost niya ang picture nila together na kuha nga sa taping ng “Tadhana.”
Aniya sa caption, “After years of silence, ‘Tadhana’ brought our friendship back. #ingodsperfecttime.”
Comment naman ni Aiko, “Miss you mare. God’s will and strong friendships will never ever be broken. I’m happy that we are ok and pls know this time no more goodbye ah. We will be here for each other no matter what. Love you.”
Nag-post din sa Instagram si Aiko at aniya, “fate” ang muli nilang pagkikita ng kaibigan, “Part of not being depressed is keeping myself busy… It was by fate ‘Tadhana’ that led me to work with Maricar De Mesa who is a long-time family friend.
“Maraming Salamat po to my Kapuso Network and ‘Tadhana’ for guesting me. First time to guest in this show and napasabak kami sa matinding drama.
“Ang ganda ng kwento pa. Mapapanuod nyo po ito sa March 6 and 13. This is the show hosted by Marian Rivera sana next maka work ko na sya. Thank you Lord Jesus for the blessing,” mensahe pa ng award-winning actress.
Sa comment section, sinabi ni Maricar na, “Family will always be family.”