Pinoy international fashion designer Rocky Gathercole pumanaw na; Sharon iyak nang iyak

PUMANAW na ang Filipino international fashion designer na si Rocky Gathercole kahapon. Siya ay 55 years old.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 nang hapon nang matagpuan ang katawan ni Rocky sa loob ng comfort room na nasa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Samar Avenue, Diliman, Quezon City.

Pahayag na kaibigan at business associate ni Rocky na si Jojo Bragais sa panayam ng ABS-CBN, ang assistant ng sikat na fashion designer na si Simple ang nakakita sa katawan nito sa banyo na wala nang malay.

Hinihintay pa rin daw nila ang magiging opisyal na pahayag ng mga imbestigador tungkol sa pagkamatay ng fashion designer.

Kahapon din, March 3, nag-post pa si Rocky sa kanyang Facebook account ng isang video kung saan ipinakita niya ang ginagawang bagong costume.

“Let’s play a guessing game, guess who is this costume I am making for?” aniya sa caption.

Ilan sa mga Hollywood celebrities na binihisan ni Rocky ay sina Britney Spears, Katy Perry, Paris Hilton, Nicki Minaj, Tyra Banks at Jennifer Lopez.

Isa naman sa mga local stars na nagluluksa ngayon sa pagpanaw ni Rocky ay si Megastar Sharon Cuneta na iyak nang iyak nang mabalitaan ang sad news.

Nag-post pa siya ng maikling video para sa kaibigang designer, “Rocky loved me. He was a pure Sharonian and my friend.

“Thank you for loving me all these years. My and my family’s deepest condolences to Rocky’s family during this terrible time,” sabi ni Mega.

Kung matatandaan, ipinalabas noong July, 2017 sa “Maalaala Mo Kaya” ang inspiring life story ni Rocky — mula sa pagiging homeless noong bata hanggang sa marating ang inaasam na tagumpay.

Si Arjo Atayde ang gumanap sa karakter ng sikat na fashion designer na umani rin ng papuri sa madlang pipol.

Read more...