Bakit kinakantahan ni Rico Yan noon si Jolina ng ‘mangga, mangga, hinog ka na ba’?

HALOS pare-pareho pala ang insecurity sa katawan nina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada.

Isa-isang nagbahagi ang tatlong Kapamilya stars sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” ng kanilang mga insecurity at kung paano nila ito tinanggap sa kanilang mga sarili.

Ayon kay Melai, nahihiya raw siya noon sa sobrang kapayatan ng kanyang mga binti kaya talagang problema niya ang pagsusuot ng shorts at maikling palda.

“‘Yung legs ko talaga na sobrang payat. Sobrang insecure talaga ako, kaya lagi akong nagle-leggings, tinatago at ang dami ring butones, peklat sa legs ko. Kaya grabe talaga ang insecurity ko noon,” pag-amin ng TV host-comedienne.

Ngunit noong pumasok na siya sa mundo ng showbiz na nagsimula nga sa pagsali niya sa “Pinoy Big Brother” ay unti-unti na niyang natanggap ang katotohanan.

“Akala ko wala ng katapusan ang insecurity ko sa legs. Nu’ng nag-‘PBB’ ako, ni-love ko na siya kasi wala na rin akong pakialam. Kaya ang sarap sa pakiramdam.

“Parang in-embrace ko na lang siya. Nung katagalan, nagkakalaman, parang naging asset ko na siya na maganda raw ang legs ko, kaya naging confident na ako ngayon,” pahayag pa ni Melai.

May konek din sa paa ang insecurity ni Jolina, “Ako naman nasa bandang legs din. Kasi ang binti ko mayroon talaga akong muscle doon, pagdating talaga sa binti may mangga-mangga, hinog ka na ba?

“Sorry ha, pero ang unang kumanta sa akin ng ‘mangga-mangga, hinog ka na ba?’ si Rico Yan. Pero mula noon ay siya rin ang nagsabi sa akin na mahalin mo ‘yan, kasi ang sporty na mga tao ay malalaki talaga ang muscle nila sa binti. Kaya ako nagka-muscle sa binti dahil sa kakabunot,” nangingiting kuwento ni Jolens

Naging mabuting magkaibigan sina Jolina at Rico nang magsama sila sa youth-oriented show na “Gimik” ng ABS-CBN.

“Tapos minahal ko na siya. Dati indian mango siya, ngayon kalabaw na mangga. In-embrace ko rin siya,” sey pa ni Jolens.

Inamin naman ni Karla na ang malalaki niyang mga hita ang kanyang insecurity mula pa noong bata siya.

“Pata girl talaga ako. Legs talaga. Mahaba ang legs ko pero hindi ko pa alam kung paano dalhin ang aking pata. So sabi ko bakit ganito 21 (inches) lang ang baywang ko, pero ang laki ng pata ko,” chika ng nanay ni Daniel Padilla.

“Hanggang sa mayroon akong sports na talagang kinagiliwan at nag-form na ‘yung legs ko. Kailangan ang insecurities mo ay i-embrace mo siya.

“Gawan ng paraan para ma-appreciate mo, especially sa parte ng katawan mo, kasi bitbit mo ‘yan kahit saan ka pumunta,” payo pa niya sa mga taong hindi pa rin tanggap ang kanilang mga insecurity sa buhay.

Read more...