#GoodbyeManila: Andi, Philmar, 3 anak nakabalik na sa Siargao

MAKALIPAS ang mahigit walong buwang pananatili sa Maynila, nakabalik na sa isla ng Siargao si Andi Eigenmann kasama ang kanyang buong pamilya.

Excited na ibinalita ng aktres at celebrity mom na finally ay nakauwi na rin sila sa kanilang tahanan nang ligtas at walang sakit, matapos mag-stay sa Manila noong kasagsagan ng lockdown.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Andi ng ilang litrato kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo at mga anak, na kuha sa kanilang pagbibiyahe pabalik ng Siargao.

“Went on our most meaningful adventure yet.. After (8 mos for me and Lilo, 4 for @chepoxz and 1 yr for Ellie), the happy island fam has finally made their way back to Siargao!” ang caption ni Andi sa kanyang Instagram post.

Mula raw nang dumating sila sa island ay naging busy na sila sa pag-aayos sa kanilang bahay at pagtse-check sa mga kakailanganin nila.

“Been back and busy enjoying fam time and settling into our new home. This explains our being MIA on social media!” sabi pa ni Andi.

Sa isa pa niyang post, nagpasalamat naman ang aktres sa pamilya niya sa Manila na nakasama nila sa loob ng walong buwan.

“Another good thing to come out of being stuck at home in Manila– regular fam visits from the sibs and niece-phews!

“Regular Sundays spent lazing about and eating yumbo food at home have been unforgettable because of you ol!” aniya sa caption.

“Happy to see and grow much closer to all of these peeps in the last 8 months! Thank you for making Manila more bearable for us! Missing you ol very much!” dagdag pa niyang mensahe.

Nito lang nakaraang January nanganak si Andi sa ikatlo niyang baby. Bago ito, last December ibinandera naman nila ni Philmar sa buong universe na engaged na sila.

Read more...