Gusto ko talagang makatrabaho si Bea dahil napanood ko halos lahat ng movie nila ni John Lloyd

NATUPAD na sa wakas ang pangarap ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na gumanap sa isang K-drama remake.

Kumpirmado nang magiging bahagi siya ng upcoming movie na hango sa Japanese drama na “Pure Soul” na nagkaroon din ng Korean adaptation noong 2004 na pinamagatang “A Moment to Remember.”

Sa pelikulang co-produced ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment, makakapareha ni Alden si Bea Alonzo na minsan na niyang nakatrabaho sa isang shampoo commercial.

Mixed emotions daw ang nararamdaman ng Kapuso Drama Prince dahil nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa pelikula.

“Wala akong matututunan kung laging du’n lang ako sa comfortable roles pero ngayon after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang ‘yung kaba kasi hindi biro ‘yung role,” aniya.

Excited na rin si Alden na finally ay makakatrabaho na niya si Bea, “Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz.”

Dagdag pang kuwento ng aktor, “Since it’s an adaptation, we agreed to not really watch ‘yung Japanese version at ‘yung Korean version, kasi parang siyempre, kahit paano naman, kapag may project na ganito, there’s always a comparison. What we wanted as actors is to do our take on how we understood the role.”

“I can say na it’s a little bit different from the original title but we will make sure that it is going to be a good one,” sey naman ni Bea.

Samantala, game na game na ring sumabak sa shooting ng pelikula si Alden sa ilalim”new normal”.

Sinimulan na niya ito noong nakaraang taon sa lock-in taping ng unang season ng mini-series anthology na “I Can See You” kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis.

Ngayong 2021, looking forward din ang binata na makagawa uli ng bagong serye.

“Marami na rin akong nagawang shows with GMA in terms of characterization. What I’m really looking forward to is to make a K-drama remake for a project like ‘yung mga nagawa ng ‘Descendants of the Sun’ and then ‘My Love from the Star,'” chika ni Alden.

Katatapos lang umere sa GMA ng “Descendants of the Sun” na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, habang noong 2017 naman ipinalabas ang Pinoy version ng “My Love From the Star” nina Jennylyn at Gil Cuerva.

“Hopefully, soon, I’ll be able to do one Korean drama remake para maiba naman. Kasi actually lahat ng ginawa ko lately, since I’ve started, are all original projects. Sana remake naman this year,” sabi pa ni Alden.

Read more...