Kris binasag ang chikang nagde-date sila ni Mark Leviste: Single, not dating…

“SINGLE, not dating.” Yan ang ipinagdiinan ng TV host-actress na si Kris Aquino matapos lumabas ang chika na may politikong nanliligaw sa kanya.

Ayon kay Kris, mas pinagtutuunan niya ng panahon ngayon ang kanyang kalusugan kasabay ng pagsasabi na hindi totoong nakikipag-date siya.

Sa latest post niya sa Instagram, ibinahagi ng Queen of All Media ang ilang litrato na kuha sa dinner date nila ng fashion designer na si Michael Leyva nitong nagdaang Feb. 25.

Ang mensaheng inilagay niya sa caption ay, “Single, not dating, peaceful, trying to get healthier. Maiksi ang caption, I’m learning how to say less.”

Ipinost ito ng mommy nina Joshua at Bimby matapos lumabas ang chika na nakipag-dinner date umano siya kay Batangas Vice-Governor Mark Leviste sa isang restaurant sa Makati.

Ayon sa kuwento, nakasama rin daw sa date ng dalawa ang anak ni Mark at isang kaibigan ng aktres. Ngunit kung ang pagbabasihan nga ay ang latest post ni Kris, mukhang hindi nga totoo ang chika.

Kung matatandaan, noong September, 2019 nang magparamdam ang vice-governor kay Kris nang magkomento ito sa  “public invitation” ng TV host sa IG  para sa nga “single men, aged 41-55” para i-add ang kanyang private Facebook account.

“Looking for someone single, aged 41?” ang comment ni Mark.

Reply naman sa kanya ni Kris, “Napaso na sa ‘players’ (literal & figurative) and sa elected officials. You have a (check) in both boxes. Not ‘looking’ but I look forward to getting to know you better and befriending you.”

Sa isa pa niyang post noong March, 2020, in-explain uli ni Kris kung bakit ayaw niyang magkaroon ng romantic relatiobship kay Mark.

“It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished.

“Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past. Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life,” paliwanag ni Tetay.

Dagdag pa niya, “He wasn’t very polite with his text messages… that’s why I chose the safe out—bringing up someone from the past—it’s much more proper because nobody is to blame.

“Hindi ako nabobola sa IG comment. Words mean very little when not backed by action,” pambubuking pa niya sa politiko.

Read more...