Maine nasorpresa sa regalong b-day paandar ng pamilya at mga fans

SINORPRESA ng kanyang pamilya, ilang malalapit na kaibigan at mga loyal supporters si Maine Mendoza para sa kanyang 26th birthday.

Bukas pa, March 3, ang kaarawan ng Phenomenal Star ngunit binigyan na siya ngayon pa lang ng birthday paandar ng kanyang talent management.

Dahil bawal pa rin ngayon ang malalaking gathering at events dulot ng pandemya, isang “new normal” birthday celebration para kay Maine ang in-organize ng All Access to Artist (Triple A) na siyang namamahala sa career ng dalaga.

Walang kaalam-alam ang Dubsmash Queen sa sorpresang Zoom party na inihanda ng kanyang talent management na dinaluhan ng mga taong malapit sa kanya, kabilang na nga riyan ang kanyang mga fans.

Sa kanyang Twitter account, ibinandera ng “Eat Bulaga” Dabarkads ang ilang kaganapan sa kanyang new normal birthday celebration kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng naki-Zoom party sa kanya.

“BIIIG THANKS to the people behind tonight’s surprise Zoom birthday party; to my management (All Access to Artist) for putting it all together; to my family, friends and supporters for the loooove! Thank you for this #newnormal birthday paandar. Heart suit. #aMAINEzingAt26 #tuhray,” ang mensahe ng TV host-actress.

Samantala, isa nga sa mga inaabangan ngayon ng mga tagasuporta ng dalaga ay ang kanyang birthday special sa Kapuso sitcom na “Daddy’s Gurl”.

Mapapanood na ang episode na ito sa March 6 kung saan magiging guest nga ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde.

Sa panayam ng GMA, ibinuking ni Maine na inatake ng nerbiyos ang binata habang nagte-taping sila for the said episode, “Nakakatawa kasi nag-uusap kami and sinsasabi niya sa akin na medyo kinakabahan siya, tapos sabi ko, ‘Ano ka ba kayang-kaya mo yan,’ ganyan. Na-deliver naman… best actor.”

Nauna nang nabanggit ni Arjo na napakaraming nagbago sa buhay niya mula nang maging girlfriend niya si Maine. Mas naging mature raw ang pananaw niya sa lahat ng bagay nang dahil sa dalaga.

“Yeah, it happened all of a sudden, when you just really know what you want in life and, you know, who you want to be with, that person you love the most. You just know it.

“It’s not something slow-mo, but it’s something so real that it straightens you up all the way. So yeah, I think when you are in love, I guess you should be inspired and be a better person from there, not try to be… just be who you are. Just be good,” pahayag ng Asia’s Best Actor.

Read more...