NAGLAAN talaga ng panahon ang dalawang Kapuso stars na sina Ruri Madrid at Shaira Diaz para kahit paano’y makatulong sa pag-aalaga sa ating kalikasan.
Pinangunahan nila ang isang tree-planting activity sa Antipolo kung saan sila nagte-taping para sa isang episode ng ikalawang season ng GMA drama anthology na “I Can See You.”
Nitong mga nagdaang araw ay abala na sina Ruru at Shaira sa taping ng kanilang pagbibidahang “I Can See You” episode na “On My Way To You” kung saan makakasama rin nila ang Kapuso stars na sina Arra San Agustin at Richard Yap.
Sa kanilang rest day sa lock-in taping ay nagtungo sina Ruru at Shaira kasama rin sina Arra, Moly de Guzman at Ashley Rivera sa Mount Purro Nature Reserve upang magtanim ng mga puno.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Ruru ang naganap na tree-planting activity, “Day 5 at the bubble. Today’s our rest day. So, we decided to plant trees and help save mother nature.”
Samantala, nakatakda ring pagbidahan nina Ruru at Shaira ang bagong action-adventure GMA series na “Lolong” na malapit n’yo na ring mapanood.
* * *
Marami ang bumilib sa virtual set ng world-class singing competition for kids ng GMA Network na “Centerstage” hosted by Alden Richards.
Kagabi, first time napanood sa Philippine TV ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng programa.
Alinsunod sa safety protocols na patuloy na ipinatupad ng gobyerno, hindi na kinailangang magtungo ng young contestants sa actual studio para mag-perform. Sa kani-kanilang bahay na lang sila pinuntahan ng staff ng show at doon kinunan.
Inulan ng positive reviews online ang pagbabagong ito sa show. Sey ng isang netizen, “High tech at World-class ang Virtual Set-up ng @GMACenterstage Panalo!!!”
Dagdag pa ng ilang viewers, hanga sila sa GMA Network dahil talagang ginawan nila ng paraan na maipagpatuloy ang mga journey ng aspiring Bida Kids.
Komento ng isang netizen, “GMA could’ve just cancelled the show w/c is so convenient to do. Pero push pa rin sila for the kids. Kahit na it required investing on new technology. Good job @GMACenterstage.”
Mas kaabang-abang ang bawat episode ng tumitinding labanan ng mga contestants kaya huwag palalampasin ang “Centerstage” tuwing Linggo, bago ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.