John Lloyd pang-matinee idol na uli sa bagong hairstyle: Choose to be happy…

PINUSUAN at ni-like ng maraming netizens ang bagong litrato ni John Lloyd Cruz sa kanyang official Facebook page.

Nagpagupit na kasi si Lloydie at nag-goodbye na sa wakas sa kanyang mahabang curly hair. At in fairness, totoo namang bumata uli siya sa bago niyang look.

Lumabas muli ang kanyang kagwapuhan at pagiging matinee idol dahil sa kanyang new hairstyle with matching his nakakatunaw na smile — tulad nga ng naging comments ng mga loyal fans ng award-winning actor.

Sabi nga ng isa niyang fan, “yummy” at papable na uli ang itsura ni John Lloyd ngayon hindi tulad nitong mga nagdaang araw na mukhang napabayaan na niya ang sarili.

Na-curious naman ang mga FB users nang mabasa ang maikling caption sa latest photo ni John Lloyd na, “Choose to be happy.”

Tanong ng mga netizens, may konek kaya ang hugot ni Lloydie sa ex-girlfriend niyang si Ellen Adarna (at nanay ng anak niyang si Elias) na dyowa na ngayon ni Derek Ramsay?

Narito ang ilan sa mga comments ng mga followers sa FB page ni Lloydie partikular na sa kanyang bagong look.

“We’re happy that your back, we miss you. I’m glad that you choose to be happy now. God bless and keep safe.”

“Looks good. That’s shows a person is happy and contented  with life that God has offered.”

“You are responsible to your own happiness, love yourself and do things that makes you happy. What other people think and say about you is non of your business.

Smile always, Jesus loves you so do I.”

“Yes..all I want  for you is to find the true happiness….im so happy that you did. As fan I will always here to support you no matter what.”

“Di ka yata magaling sumisid Poy (karakter ni JLC sa pelikula nila ni Bea Alonzo na One More Chance). Eh…kaya pinalitan ka na ni Ibon (Ellen). Be happy Popoy! Malawak pa ang karagatan, wag mawalan ng pag asa.”

“At least di naman ipinagdamot ni ellen ung anak nila. d kagaya sa iba jan akala mo walang mga memories noong masaya pa sila tapos ipagdamot pa ung anak sa ama.”

“Yes happiness is a choice. Sabi mo nga life is short, enjoy it with Elias Modesto. Praying for you that the Lord grant you angkop na babae makakasama sa habang buhay. May the Lord give you wisdom in making your choice. Ask guidance sa Panginoon. God bless.”

Samantala, may mga naka-post din sa Facebook Stories ng aktor na mga BTS o behind the scenes na kuha sa shooting ng bago niyang pelikula, ang “Servando Magdamag” sa direksyon ni Lav Diaz.

Read more...