Francine umamin na sa tunay na relasyon nila ni Kyle: Best friend and partner…

“UMAMIN” na ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz sa tunay na estado ng relationship nila ng kanyang ka-loveteam na si Kyle Echarri.

Siyempre, waiting at abangers ang mga tagasuporta nila ni Kyle kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nila, lalo pa’t muli silang magsasama sa bagong serye ng ABS-CBN, ang “Huwag Kang Mangamba.”

Nitong nagdaang Biyernes nga, natanong si Francine sa virtual mediacon ng “Kapamilya Strong” kung kumusta na sila ni Kyle pagkatapos ng hit series nilang “Kadenang Ginto.”

“Best friend and partner before and present,” ang sagot ng young actress matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN kasama sina Maymay Entrata, Edward Barber, Donny Pangilinan, Arjo Atayde at Gary Valenciano.

Sa nasabing contract signing na tinawag ngang “Kapamilya Strong”, nagbigay ng video message si Kyle para sa kanyang ka-loveteam.

“Natuwa po ako kanina kasi minsan lang po talaga mag-usap na parang ‘I’m so proud of you’ ganyan. Kaya everytime na may video greeting kami sa isa’t isa talagang alam namin na sincere kami sa sinasabi namin,” ang pahayag ng isa sa miyembro ng “Gold Squad” sa pa-surprise ni Kyle.

Aniya pa, hindi nawala ang communication nila ng binata lalo na noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya.

Nagkasundo rin daw sila na ilaan ang kanilang panahon habang nasa bahay sa kanilang mga pamilya, “Kami po kasi kami ni Kyle during lockdown, hindi po talaga kami lumalabas.

“Nag-uusap naman po kami, nagkukumustahan pero mayroon po kasi kaming sinet na goal nu’ng quarantine na mag-spend kami ng time kasama ‘yung mga kapatid at pamilya namin.

“For me po, ‘di naman nasusukat sa friendship yung communication. Kapag di kayo nag uusap, hindi du’n nasusukat. Kasi kapag may problema yung isa sa amin nandoon kami, nagdadamayan,” pahayag pa ni Francine.

Makakasama rin nina Kyle at Francine sa “Huwag Kang Mangamba” ang dalawa pang member ng “Gold Squad” na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Read more...