Janus 4 years nang hindi nagyoyosi: Kung kaya ko, kaya n’yo rin pero napakahirap talaga

HINDI naging madali para sa character actor na si Janus del Prado ang mag-quit mula sa pagyoyosi.

Ayon kay Janus, apat na taon na ang nakararaan nang tumigil siya sa paninigarilyo pero aniya, matindi rin ang pinagdaanan niya bago siya nagtagumpay para tuluyang makabitaw sa kanyang bisyo.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Janus ng naging journey niya sa pagku-quit bilang smoker.

“4 years na since nag quit ako mag smoke and I can tell you na it’s not easy. Madaming mangyayari sa ‘yo physically and psychologically. Tataba ka sobra, magsisink ka into depression, etc.,” ang caption ng aktor sa kanyang IG photo habang naninigarilyo.

Mahirap man daw, ngunit talagang kinarir niya ang pagtigil sa nasabing bisyo, “But still, I’m glad I did it. Kahit puff or yung rason na ‘pag inuman lang’ di ko ginawa.”

“Siyempre yung mga kaibigan mo na smokers na di naniniwala sa ‘yo na kaya mo they will do everything to tempt you pero nasa sa ‘yo na yon kung marupok ka.

“Buti na lang natigil ko. So proud of myself. Hehe. 4 years man. Kung kaya ko. Kaya niyo rin,” ang pagpapatotoo pa ng aktor.

Dagdag pa niya, “But yun nga lang, dun tayo sa totoo. Hindi sya madali. Labyu guys. #smokefreesince2017.”

* * *

Nagbabalik ang Thai actor na si Mario Maurer para sa isa na namang nakakakilig sa kuwento sa upcoming Lakorn series na “The Blooming Treasure” simula ngayong Lunes.

Si Win (Mario) ay isang aroganteng binata na puno ng ambisyon at walang ibang pinahahalagahan kundi ang sarili. Dahil nakatakdang manahin niya ang yaman ng kaniyang lolo, lumaki siyang mayabang sa pakikitungo sa mga tao sa paligid niya.

Matapos yumao ang kanyang lolo, laking gulat ni Win sa will nito na nagsasabing dapat siyang magtrabaho sa Pudchompoo’s Chrysanthemum nursery at ang may-aring si Pia (Toey Jarinporn) muna ang magpapatakbo ng kaniyang kumpanya.

Malaki ang utang na loob ni Pia sa lolo ni Win kaya naman tatanggapin niya ang tungkuling ito at kalaunan ay magkakaroon sila ng mas malalim na samahan.

Tuluyan kayang mabago ni Pia ang masamang ugali ni Win? Huwag palalampasin ang “The Blooming Treasure”, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. at tuwing Sabado at 10:45 a.m. sa GMA.

Read more...