TULOY na ang pelikulang ipo-produce at pagbibidahan ng award-winning actor na si Arjo Atayde na magsisilbing tribute para sa showbiz icon na si Eddie Garcia.
Ito ang masayang ibinalita ng Asian Academy Creative Awards Best Actor nang muli siyang humarap sa entertainment press sa virtual mediacon ng “Kapamilya Strong” kung saan ibinandera nga ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.
Ayon kay Arjo, isang napakalaking blessing para sa kanya, lalo na ngayong panahon ng pandemya ang pagpirma uli ng exclusive contract sa Kapamilya network.
Diretsahang sinagot ng boyfriend ni Maine Mendoza ang tanong kung bakit nanindigan at mas ninais na manatiling Kapamilya sa kabila ng pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN.
“Honestly, I trust them. I trust them since day one. So whatever project they may give me, I’m good. I’m just happy to be home. I’m a team player. If they sink, I sink with them.
“If they’re gone, I’m gone with them. So the reason why I’m staying is this is my home and I don’t want to be elsewhere but here. That’s about it,” paliwanag ni Arjo.
Nagbigay din ang binata ng reaksyon sa pagkakapanalo niya ng best actor sa Asian Academy Creative Awards para sa digital series niyang “Bagman.”
“Of course I will always be thankful. it’s such a big blessing to me and I took the award for ABS-CBN and me. It’s always going to be with ABS-CBN. That’s how I treated it from the start and that’s how it is for me until now,” pahayag pa ng binata.
Samantala, nagbigay din ng ilang detalye si Arjo tungkol sa mga naka-line up na projects na gagawin niya ngayong taon.
Nu’ng una ay ayaw pa sana niyang magkuwento sa press, pero napilitan din siyang magbigay ng ilang impormasyon tungkol dito.
“We’re planning to do something mid-year, we’ll be announcing very soon so abangan niyo yun. ABS-CBN is taking care of me so much and I’m very blessed for that.
“Coming this April, I’m working on a movie that was supposed to be for me and Mr. Eddie Garcia. It became a tribute to him and this is one of the movies that I’m first producing alongside with my team so this is one of the stories that we’re looking forward to tell.
“After that I’ll be working on a project with ABS-CBN finally mid-year. That one I can’t announce but it’s going to be a seryosong story, seryosong journey,” kuwento ni Arjo.