Kim dedma muna sa pagbili ng mga branded bag: Life is short, collect more memories…

NAGPALIWANAG ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu tungkol sa isang pag-aaring branded bag na ipinost niya sa social media.

Kasabay nito, ibinahagi rin ng dalaga ang isa pang biggest realization niya sa buhay noong nakaraang taon kung saan sunud-sunod na kontrobersiya ang kanyang kinasangkutan.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kim ang isang litrato ng ginagamit niyang luxury bag na nabili niya noong panahong wala pang Covid-19 pandemic.

Kung may mga nag-post ng magagandang comment, meron ding nangnega at nam-bash sa girlfriend ni Xian Lim kaya naman nagpaliwanag agad ang aktres kahit daw alam niyang hindi naman kailangan.

“For those reacting, bought this bag years ago and I’m happy that I haven’t bought any yet since the start of pandemic. This pandemic made me realize so much,” pagtatanggol niya sa sarili.

Ipinagdiinan pa ni Kim sa kanyang mga social media followers na maikli lang ang buhay at mas mabuting mag-collect ng maraming “memories” sa halip na bumili ng “material things.”

“Life is short. Collect more memories and spend more time with your loved ones. You will never know what will happen tomorrow. I really don’t have to explain but yeah, I did. Peace y’all life is short,” lahad pa ni Kim.

* * *

Mangyayari na sa Marso 21 (Linggo) ang finals night ng Himig 11th edition songwriting competition ng ABS-CBN kung saan malalaman na ang mga mananalo ng special awards at ang inaabangang Best Song.

Kagaya ng mga nakaraang taon, malaking parte ang pagboto ng fans para malaman kung sino ang mag-uuwi ng “TFC’s Global Choice Award,” “MOR Philippines Choice Award,” at “MYX Choice for Best Music Video” sa pamamagitan ng pagboto sa mga paborito nila hanggang sa Marso 15.

Para bumoto sa “TFC’s Global Choice Award,” panoorin, mag-comment, at mag-react sa Himig in-studio performance ng iyong paboritong kanta sa playlist na ito. Ang kanta na may pinakamaraming comments at reactions ay mananalo ng award at makakatanggap din ang songwriter nito ng USD 1,000.

Para naman sa “MOR Philippines Choice Award,” mag-log in lang sa YouTube at i-like ang official audio-video ng napili mong awitin sa playlist na ito sa MOR Entertainment YouTube Channel.

Unang mapapanood ang Himig 11th edition finals night sa livestream sa ktx.ph 7 p.m. sa Marso 21 (Linggo) sa halagang P199. Ipalalabas din ito ng 10 p.m. sa Sunday’s Best ng Kapamilya Channel at sa TFC IPTV.

Pwede rin itong abangan sa Kapamilya Online Live, sa mga YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MYX Philippines, MOR Entertainment, at One Music PH, at pati na sa official TikTok account ng ABS-CBN Music (@abscbnmusic).

Tampok sa Himig 11th edition ang magkakaibang lineup ng mga awitin, interpreter, at kaabang-abang na kolaborasyon gaya nina Jeremy G at Kyle Echarri para sa “Kahit Na Masungit” nina John Francis and Jayson Franz Pasicolan; Moira Dela Torre at Agsunta para sa “Kahit Kunwari Man Lang” ni David Mercado; Davey Langit ft. Kritiko para sa “Ang Hirap Maging Mahirap” ni Kenneth Reodica; at ni Janine Berdin ft. Joanna Ang para sa komposisyon ni Joanna na “Bulalakaw”.

Nagbukas din ito ng pinto para sa mga rookie interpreter gaya nina Zephanie para sa “Tinadhana Sa’Yo” ni SJ Gandia; JMKO para sa “Tabi-Tabi Po” ni  Mariah Moriones; bandang Kiss ‘N Tell para sa entry nilang “Pahina”; ZILD para sa “Ibang Planeta” ni for Dan Tañedo; at FANA para sa “Out” ni Erica Sabalboro, at nagbigay-daan sa pagbabalik ng mga dati nang inetrpreter gaya nina KZ Tandingan para sa “Marupok” ni Danielle Balagtas; Sam Mangubat para sa “Kulang Ang Mundo” ni Daryl Cielo; at ni Juris para sa “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Jabez Orara.

Read more...