Sobra-sobrang pogi points na ang natatanggap ng aktor sa netizens kapag lagi niyang ipinapasyal sa ibang lugar ang nobyang aktres dahil sa pagkakaalam ay sagot nito lahat ang gastos, pero ang totoo ay 50-50 sila sa gastos.
Tsika ng taong malapit sa aktor na sinasabihan niya ng lahat, “Lagi siyang nakaabang ng seat sale at promo sa mga hotels kung saan niya gustong pumunta. Siyempre isasama niya si (aktres) kasi tiyak na malaking isyu kapag siya lang mag-isa ang pupunta.”
“Sobrang mura ng mga nakukuha niyang promo sa mga hotel o resort, tapos pag marami ka pang followers libre na banggitin mo lang. Ganu’n din sa airline, nakakalibre rin siya minsan,” dagdag pa niya.
“Ganu’n ‘yung mga artista kapag nakikita mong madalas sa out of town, libre o kaya sobrang mura lang ang babayaran, e, iga-grab mo na lalo na kung gusto mong magpahinga for 3 days or 2, di ba? O, pang Instagram post. Nakakaganda rin kasi ‘yun na marami kang lugar na napupuntahan tapos post mo sa social media mo.”
Pero may mga pagkakataong ang nobyang aktres ang nagbabayad ng mga lakad nila ng dyowang aktor kasi may usapan silang alternate. Generous ang dalaga at wais sa pera ang binata kaya masasabing suwerte rin ng huli.
“Pansin mo wala silang isyu sa pera? Pareho kasing meron. Kadalasan naman kasi ang pag-aaway ng magka-relasyon ay dahil sa pera, babae at bisyo. Wala silang mga ganu’n. Pero seloso si (aktor). Si (aktres) hindi, kasi wala naman siyang nababalitaang may gusto sa dyowa niya, ha, haha,” tsika pa sa amin.
Pero dapat hindi magbago si aktor sa kasintahang aktres dahil sa totoo lang maraming nag-aabang sa kanya lalo’t hindi pa sila kasal.