Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging ang NBI lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon at wala ng iba pa.
“Nagdesisyon po ang ating Presidente na tanging NBI lang po ang mag-iimbestiga doon sa putukan na nangyari sa panig ng mga kapulisan at ng PDEA dyan po sa Quezon City,” pahayag ni Roque.
Pinatitigil na rin aniya ni Pangulong Duterte ang sariling imbestigasyon ng PNP at PDEA.
“Yung mga binuo pong joint panel na binuo po ng PNP at PDEA ay hindi na po magtutuloy sa kanilang imbestigasyon, tanging NBI lang po sang-ayon sa ating Presidente ang magtutuloy ng imbestigasyon,” dagdag ng kalihim.
Paliwanag ni Roque, may legal na mandato ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon kapag nasangkot sa insidente ang mga uniformed personnel.
Sa ganitong paraan din aniya masisiguro ang impartiality sa imbestigasyon.
“This is ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” pahayag ni Roque.