LOS ANGELES — Naisauli na ang dalawang bulldog ni Lady Gaga na pwersahang kinuha ng dalawang armadong lalaki sa Hollywood, ayon sa pulisya.
Ito ay matapos na magsumamo ang pop superstar sa social media na ibalik ang kanyang alagang asong sina Koji and Gustav na inagaw mula sa kaniyang dog walker na si Ryan Fischer noong Miyerkules ng gabi.
Nag-alok pa si Lady Gaga ng $500,000 pabuya sa sinumang makapagsosoli ng kanyang mga alagang bulldog.
Isang babae, na hindi pinangalanan ng mga awtoridad, ang nagdala sa mga aso sa Los Angeles Police Department (LAPD). Ang pulisya naman ang nagturn-over sa mga hayop sa kinatawan ni Lady Gaga, na kasalukuyang may ginagawang pelikula sa Rome, ayon sa spokesman ng LAPD na si Officer Mike Lopez.
Maayos ang kalagayan ng mga aso at walang ebidensiya na sila ay sinaktan.
Ipinapasyal ni Fischer ang dalawang bulldog ni Lady Gaga noong Miyerkules nang isang kotse ang biglang huminto. Kaagad na iniutos ng dalawang lalaki sakay nito na ibigay sa kanila ang mga aso, ayon sa pahayag ng pulisya.
My beloved dogs Koji and Gustav were taken in Hollywood two nights ago. My heart is sick and I am praying my family will be whole again with an act of kindness. I will pay $500,000 for their safe return. Email KojiandGustav@gmail.com to contact us. pic.twitter.com/3NY9u7Mw2K
— Lady Gaga (@ladygaga) February 26, 2021
Binaril ang dog walker ng isang beses sa dibdib bago tuluyang humarurot patakas ang mga salarin bitbit ang dalawang aso. Nakatakas naman ang ikatlong aso pero kalaunan ay natagpuan din.
Pinuri ni Lady Gaga si Fisher sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanyang alaga. “You’re forever a hero,” ayon sa kanya.
Kasalukyang nagpapagaling pa si Fisher.
Samantala pinaghahanap pa rin ng pulisya ang dalawang lalaki na nagnakaw sa aso.
Mula sa ulat ng Reuters
KAUGNAY NA BALITA
Lady Gaga nag-alok ng $500,000 pabuya para sa 2 ninakaw na aso