Vaccination Program Act of 2021 pirmado na ni Duterte

bong go rodrigo duterte vaccine

Courtesy: Senator Bong Go

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong batas ang Vaccination Program Act of 2021.

Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng Senate committee on Health, nilagdaan ni Duterte ang batas nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 26, sa Malakanyang.

Layunin ng bagong batas na mapadali ang vaccination program ng pamahalaan kontra Covid-19.

Nakapaloob din sa bagong batas ang paglalaan ng P500 milyong indemnity fund para sa mga pasyente na makararanas ng masamang epekto dahil saa bakuna kontra Covid-19.

Sa Pebrero 28, inaasahang darating na sa bansa ang 600,000 doses na bakuna na donasyon ng Sinovac ng China sa Pilipinas.

Read more...