Napanood kasi ng international singer ang video ni Ericka Camata o mas kilala nga ngayon ng publiko bilang si Ms. Everything, kung saan kinakanta nito ang hit song niyang “2002.”
At dahil diyan, looking forward daw si Anne-Marie na magkaroon sila ng possible collaboration ni Ms. Everything in the future.
Ang napanood ng British singer ay ang video clip ni Ericka habang binabanatan nito ang “2002” na sa simula ay tama pa ang mga lyrics pero nang dumating sa chorus ay mali-mali na ang kanyang mga sinasabi.
“She can actually sing,” ang namamanghang sabi ni Anne-Marie sa isang reaction video na in-upload sa Warner Music Philippines YouTube channel.
Dagdag pa niyang papuri kay Ms. Everything, “It was all perfect. She got all the lyrics perfect and then came the chorus. She made it her own now.”
Pahabol pang chika ng singer, “We should do a duet, a collaboration, but use her lyrics.”
But wait there’s more! Ibinandera rin ni Anne-Marie na ang version ni Ms. Everything ang favorite cover na niya ngayon ng “2002” at hindi raw siya magsasawang panoorin at ulit-ulitin ito.
“That might be my favorite cover of ‘2002.’ I’ll watch that every week for the rest of my life,” sey pa ni Anne-Marie.
Samantala, nag-react din siya sa iba pang Pinoy artists na gumawa ng cover ng kanyang kanta, kabilang na riyan ang Kapamilya singer na si Morissette Amon.
Super impressed si Anne-Marie sa version ni Morissette at sinabi pang mas magaling pa nga sa kanya ang biriterang singer.
“Her voice was so good. I love her tone. Just so lovely. I can listen to her singing forever. She’s better than me,” ang walang kayabang-yabang na pahayag ng British performer.