Ibinalita ni Dionne sa madlang pipol na nagdesisyon siyang iwan na ang pag-aartista para sumama na sa kanyang fiancé na si Ryan Stalder sa Switzerland.
In-announce ito ng aktres sa guesting niya sa “Magandang Buhay” kahapon kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa showbiz pati na rin sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“I want to say thank you so much. This is my last guesting ’cause I’m retiring. I am already retired. ‘Hello, Stranger’ is actually my last project and this is my last guesting. So, thank you so much ‘Magandang Buhay,'” pahayag ni Dionne.
“My boyfriend and his family are there,” dagdag pa ng aktres. Dito binati rin niya on air ang kanyang fiancé at ang parents at kapatid nito sa Switzerland.
Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Dionne ng mensahe tungkol sa kanyang retirement. Aniya sa caption, “This day 14 years ago, our batch (PBB Season 2) was launched. Today, my last TV guesting for magandang buhay aired.
“I started acting professionally in 2002 for ABS-CBN RNG. It has been an amazing 18 years. Thank you for helping this small-town girl achieve her dreams. I am forever grateful,” aniya pa.
Kamakailan ay ibinalita rin ng aktres ang engagement nila ni Ryan sa pamamagitan ng mga IG photos kung saan ipinakita niya sa madlang pipol ang kanyang ngagement ring.
Kuha ang mga ito sa Kandersteg, Switzerland.
Kuwento ni Dionne, nagsimula silang mag-date ni Ryan taong 2018 pero magkakilala na sila noon pang 2007, na siya ring panahon nang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.
“Eleven years of knowing each other. Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow.
“There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever,” paglalarawan pa ni Dionne sa kanyang magiging asawa.
Isang buwan na sa Switzerland ang retiradong aktres at mukhang enjoy na enjoy naman siya roon kasama ang kanyang future husband base na rin sa mga litrato nilang ipino-post niya sa social media.