Arjo pumayag mag-guest sa ‘Daddy’s Gurl’ ng GMA para sa b-day special ni Maine

SA wakas, pinagbigyan na rin ng GMA 7 ang matagal nang wish ng fans at social media followers nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

For the first time, mapapanood na magkasama ang celebrity couple sa upcoming episode ng Kapuso  sitcom na “Daddy’s Gurl”.

Maraming manonood ang na-excite nang makita ang teaser ng show at ang magiging special guest nila sa unang Sabado ng Marso. At kagabi nga, kinumpirma na ng GMA ang good news.

Sa ulat ng “24 Oras”, inamin nina Maine at Arjo na super excited na sila sa project na ito. Ibinuking din dito ni Maine na inatake talaga ng nerbiyos ang kanyang boyfriend sa taping ng “Daddy’s Gurl.”

Unang nagkatrabaho ang real-life lovers sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

“First time po namin magkatrabaho was sa Jack Em Popoy po. First time po namin magkatrabaho na kami na po talaga,” kuwento ni Arjo.

Sabi naman ng Phenomenal Star at Dubsmash Queen, “First time din po namin mag-meet du’n sa movie sa Jack Em Popoy two years ago.”

Nagkuwento rin ang dalawa tungkol sa naging experience nila sa taping ng sitcom. Sey ni Maine, “Nakakatawa kasi nag-uusap kami and sinasabi niya sa akin na medyo kinakabahan siya, tapos sabi ko, ‘ano ka ba kayang-kaya mo yan,’ ganyan. Na-deliver naman… best actor (sabay ngiti).”

Pahayag naman ni Arjo, “I’m very happy that I got to work with her again and again it’s on her birthday, so it’s extra special to me.

“And building memories with her, so this is all the memories together we are building, and I’m very happy. Hindi ko ma-explain, talagang yeah! Parang finally I got to work with her,” dagdag pa ng premyadong aktor.

Natanong din ang magkasintahan kung paano nila ipinagdiwang ang Valentine’s Day at kuwento ni Maine, “Kasi, matagal na rin ako ‘di nakaka-uwi, so nu’ng Valentine’s I spent it with my family po sa Bulacan. Tapos nag-dinner na lang kami the following night ni Arjo.”

Sa darating na March 3 ay 26th birthday na ni Maine kaya natanong din sila kung paano nila ito ise-celebrate. Si Arjo ang sumagot, “Yeah, sa amin na lang po ‘yung surprise.”

Singit namang chika ni Maine, sigurado raw siya na may gagawin na namang paandar ang kanyang boyfriend, “Lagi kasing may paandar ‘yan as in lagi (sabay tawa). Kaya hindi niya puwedeng sabihin dito, kasi malalaman ko na kung ano ‘yung paandar.”

Sa mga past interview kina Arjo at Maine na nagdiwang ng kanilang second anniversary noong December, 2020, palagi nilang sinasabi na nakikita na nila ang kanilang mga sarili na magkasama na in the future para bumuo ng sariling pamilya.

“Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras na kasama ‘yung mga taong hindi natin gustong makasama habambuhay,” sabi ni Maine.

Read more...