Derek rumesbak sa basher na nagsabing ‘nagtitikiman’ lang sila ni Ellen

PINATULAN nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang ilang bashers na nagkomento sa kanilang mga sweet photos sa social media.

Ang paniwala ng madlang pipol, dinadahan-dahan lang ng rumored couple ang paglalantad sa publiko ng tunay nilang relasyon sa pamamagitan ng pagpo-post sa socmed ng mga litrato nila together.

Maraming nangnenega sa dalawa dahil ayaw pa raw kasi nilang ibandera sa buong universe na magdyowa na sila gayung very obvious naman sa kanilang mga IG post.

Hinamon pa nga sila ng ilang netizens na magpakatotoo na lang at huwag nang magdenay dahil sila lang daw ang nagmumukhang echoserong palaka sa harap ng publiko.

Isang basher ang nagkomento sa Instagram post ni Ellen kung saan makikitang tila nilalambing niya si Derek, “Public figure but not a good influence to youths.”

Banat naman sa kanya ng dating sexy star, “Yet you follow me, judge me, and allow your mind to be exposed to ‘our’ influence. Whose choice is that now? Shouldn’t you be protecting yourself and your peace?”

May IG user naman ang kumampi kina Derek at Ellen na nagsabing, “DEREK – Single dad, gwapo, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. ELLEN – Single mom, gwapa, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. BASHERS – Single, pangit, pobre, feeling perfect at pinoproblema ang buhay ng ibang tao! 2021 na uy!”

Reply ni Ellen, “Tawang tawa kami hahahaha @ramsayderek07.” Na sinegundahan naman ng aktor sabay sabing, “Genius.”

May kabastusan naman ang hirit ng isang hater sa post ni Derek, “Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang…Tinikman mo.”

Sagot naman ni Derek sa mahahalay na salita ng netizen, “I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen.”

Kung matatandaan, sinabi ni Derek sa isang panayam na happy siya sa nabuong friendship nila ng ex dyowa ni John Lloyd Cruz, “Kami ni Ellen, we are the same in so many ways.

“Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin. We really enjoy each other’s company,” chika pa ng hunk actor.

Hindi pa diretsahang umaamin ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero marami ang naniniwala na tumatayming lang sila para ibandera sa publiko na love na sila ang isa’t isa.

Bukod dito, mismong kaibigan na ni Derek ang nagsabi na in love ang binata sa single hot mommy at masaya sila para sa dalawa.

Read more...