Alessandra inialay ang sarili na maging surrogate para kay Assunta: Willing akong gawin 'yun nang walang bayad

Alessandra inialay ang sarili na maging surrogate para kay Assunta: Willing akong gawin ‘yun nang walang bayad

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

Alessandra inialay ang sarili na maging surrogate para kay Assunta: Willing akong gawin ‘yun nang walang bayad

Ervin Santiago | February 23,2021 - 09:24 AM

HANDANG-HANDA na pala noon si Alessandra de Rossi na “ialay” ang kanyang katawan para siya ang magbuntis sa anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Kuwento ni Alex, ganu’n niya kamahal ang kanyang kapatid — gagawin daw niya ang lahat para matulungan itong magka-baby at matupad ang wish nito na maging mommy.

Halos 19 years din kasing naghintay si Assunta at ang asawang si Jules sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

Simulang kuwento ni Alex, “Nu’ng nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan yung feeling.

“Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako ang magdala? Wala rin naman akong direksyon sa buhay,’” ang chika pa ni Alessandra sa online talkshow ni Toni Gonzaga na “I Feel U”.

Patuloy na kuwento ni Alessadra, “Willing na akong gawin ‘yun para sa kanya nang walang bayad. Willing ako pero tinawanan lang niya ako. So hindi ko alam kung kinonsider ba niya in her head.”

Inamin din ng award-winning actress na isa siya sa iilang tao na nakaalam sa pagbubuntis ni Assunta ngunit kinailangan muna nila itong isikreto sa publiko.

Sey ni Alex, halu-halong emosyon ang na-feel niya nang ibalita sa kanya ng kapatid ang tungkol dito, “Hindi ako umiyak. Hindi ko alam anong naramdaman ko, hindi ko siya ma-explain.

“Pero tuwang tuwa ako siyempre. Tapos sabi niya secret daw muna, don’t tell anyone.

“Gusto ko na i-send sa group na ‘Buntis na po.’ Pero hindi pwedeng sabihin muna kasi I cannot trust her body din eh dahil ‘yun nga, hirap siya so ang hirap magsalita. Pero ‘yung tuwa talaga (ibang klase),” ang sey pa ng aktres.

Naging emosyonal din siya nang makita ang picture ni Assunta habang kalong ang baby, “Umiyak ako nu’ng pinadala sa akin ‘yung photo na kakalabas lang niya ng delivery room tapos hawak ‘yung baby. Totoo na ba ito? Totoo na nga! Send to all talaga. Doon ako naging emotional.”

Samantala, kitang-kita rin ni Alex ang napakaraming pagbabago sa kanyang ate mula nang isilang sa mundo si Baby Fiore.

“Grabe ‘yung turnaround kasi siya ‘yung tipo ng tao na…prinsesa kasi iyan. Lumaki siya na ‘yung mga bagay ginagawa lahat para sa kanya. Wala siya masyadong gagawin.

“Nu’ng naging mommy na, ang hands-on na. Biglang naging mommy talaga siya. Ito ‘yung Assunta na papalakpakan natin siya,” patuloy pang pahayag ni Alessandra.

Para naman sa mensahe niya sa kanyang ate, “Masaya ako na ‘yung years na na-form ako, ang kasama ko ay siya. Balanse ‘yung pagkasiraulo niya and pagkamabait niya. She’s my partner in crime. Kapag nauna si Ate, next ka na. Pero kapag hindi ginawa ni Assunta, wala akong gagawin na ganu’n.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending