Angel, Alden, Lovi, Dingdong, Arjo, Cristine pararangalan sa FAN 2021; Gloria Romero bibigyan ng Ilaw ng Industriya award
SA kabila ng pagbabawas sa kanilang budget ngayong 2021, tuluy-tuloy pa rin ang mga makabuluhang proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ayon kay FDCP Chairwoman Liza Dino, malaki man ang tinapyas ng gobyerno sa kanilang taunang budget, hindi ito magiging hadlang para ipagpatuloy nila ang mga nasimulang adbokasiya para sa ikauunlad ng entertainment industry.
Pangako ni Chair Liza, walang magbabago sa mga nakalinya nilang mga proyekto ngayong taon, lalo na ang pagbibigay suporta sa mga filmmakers at producers sa Pilipinas.
Isa na nga riyan ang inaabangang annual Film Ambassador’s Night na nagbibigay-pugay sa mga “film industry creatives, artists, filmmakers, and films of various formats that gained recognitions mula sa established international film festivals and award-giving bodies in the past year.”
“FAN will bestow special awards to pay tribute to the invaluable contributions of film industry stakeholders who continuously work for the betterment of Philippine Cinema,” sabi pa ni Chair Liza.
Gaganapin ang online awarding ng FAN 2021 ngayong Feb. 28 via livestream sa FDCP Channel. Sa mga nais manood mag-sign up lang kayo for free sa fdcpchannel.ph.
Para sa 5th Film Ambassador’s Night, aabot sa 60 honorees and special awardees ang pararangalan ng FDCP, kabilang na riyan ang filmmakers na sina Rafael Manuel and Lav Diaz na hindi matatawaran ang mga naiambag na sa movie industry.
Kikilalanin din sa 5th FAN sa larangan ng pag-arte sina Alden Richards, Lovi Poe, Cherie Gil, Cong. Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Allen Dizon, at iba pang aktor na nakatanggap ng award sa labas ng bansa.
Ipagkakaloob ang Haligi ng Industriya Award sa Cinematography Icon na si Romy Vitug habang si Gloria Romero naman ang recipient ng Ilaw ng Industriya Award.
Samantala, magiging highlight din ng event ang Cinemadvocates na isang special segment, “to laud individuals and groups that tirelessly champion the welfare of film workers and the development of the industry.
Ang tatanggap ng FAN 2021 Cinemadvocates award ay sina Pangasinan 4th District Rep. Christopher “Toff” de Venecia, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman and Cultural Center of the Philippines (CCP) President Arsenio “Nick” Lizaso, Lockdown Cinema Club, Inter-Guild Alliance, Dingdong Dantes at Angel Locsin.
The FAN is supported by the CCP through the participation of its resident symphony orchestra, the Philippine Philharmonic Orchestra (PPO). Sila ang makakasama ng mga local artists na naimbitahang mag-perform sa FAN 2021.
Ilan sa mga guest artists sa event ng FDCP ay sina Bamboo, Tres Marias (Bayang Barrios, Cooky Chua, and Lolita Carbon), Bituin Escalante, Beverly Salviejo, Karla Gutierrez, Lawrence Jatayna at The Pogi Boys.
May bonggang production number din ang original Sessionistas na sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Richard Poon, Kean Cipriano at Duncan Ramos.
In fairness, talaga namang nakabibilib ang malasakit at pagmamahal ni Chair Liza sa film industry. Hindi sila tumitigil sa pag-iisip ng mga proyekto para mahikayat ang publiko na manood at suportahab ang mga pelikulang Filipino.
Suportado rin ng FDCP ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa bansa sa darating na Marso. Sa ngayon, gumagawa na grupo nina Chair Liza ng mga guidelines kung paano magiging safe ang panonood sa mga sinehan under the new normal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.