GTV ng GMA umariba na; sunud-sunod ang pasabog ngayong 2021

NAGSIMULA na ngayong araw ang bonggang programming ng Good TV o GTV — ito na ang papalit sa GMA News TV.

Hindi lang ang mga paborito n’yong GMA News and Public Affairs shows ang mapapanood n’yo sa GTV starting today kundi pati na rin ang mga bagong programang talaga namang tatak-Kapuso.

Ibinandera ng ilang GMA executives sa nakaraang virtual mediacon ng GTV ang mga promising entertainment shows na siguradong mas magpapasaya, magpapa-good vibes at makakadagdag sa kaalaman ng mga Pinoy.

“This is also to addressed the need of the audience for variety because we’ve been noticing that our audience given these times are looking for more content, different content, and new content,” ayon kay Atty. Annete Gozon-Valdes, ang President GMA Films, Inc. at Programming Consultant to the Chairman and CEO.

Mapapanood pa rin sa ikalawang free to air channel ng GMA Network ang mga paboritong News and Public Affairs show na Super Radyo DZBB 594KHZ, Balitanghali, State of the Nation at ang simulcast ng flagship news program ng GMA na “24 Oras.”

“News has still a very, very important place in the programming of GTV. We have the simulcast of ’24 Oras’ and on late prime we have ‘State of the Nation’ with Atom Araullo and Maki Pulido.

“We launched them just this January and the show was doing very well. We do not lack for the news content on the new GTV. No worries,” pahayag naman ni Nessa Valdellon, First Vice President for Public Affairs.

Wala pa ring tigil ang paghahatid ng balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa Regional TV Strip at Regional TV Weekend News. Hindi rin mawawala ang mga award-winning shows gaya ng “Brigada”, “Pinas Sarap”, “Good News”, “Pera Paraan”, “Biyahe ni Drew,” “IJuander” at “Pop Talk.”

Samantala, nananatili pa ring number one sa ratings game ang trending na fantasy romance na “The Lost Recipe” nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, idagdag pa riyan ang mga bagong kinagigiliwang show sa GTV na “My Fantastic Pag-ibig,” “Game of the Gens” at “Farm to Table.”

Paparating na rin ang shows na “Heartful Café,” nina Julie Anne San Jose at David Licauco, “Love You Stranger” at “Flex.” Nananatili rin ang lifestyle programs na “In Real Life” at “Taste Buddies.”

“Because we’re adding a number of new shows pa, the local dramas that’s being produced by Public Affairs and by Entertainment, there are a lot of things to look forward to for our audience,” sabi naman ni Gigi Santiago-Lara, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions.

Samantala, para naman sa mahilig sa sports, mapapanood din sa bagong GTV ang NCAA, na itinituring na pinakauna at pinakamatagal na collegiate league sa bansa.

“We’re allocating actually ample air time for a sports block on GTV where we will air various NCAA games and in the future other high-quality sports content. We are open but for now, for Season ’96 we’d like to concentrate on our partnership with the NCAA,” ang sabi ni Oliver Amoroso, First Vice President at Head of Regional TV and Synergy.

Mapapanood ang GTV sa free to air TV, Cable, GMA Affordabox, GMA Now, at iba pang digital receivers. Maaari ring subaybayan ang mga nabanggit na programa sa international news channels ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.

Read more...