KUNG may isang hiling at palaging ipinagdarasal ang Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel, yan ay ang maging maayos at mabunga ang showbiz career ng kanyang mga anak.
Inamin ni Carmina na marami rin siyang hindi kagandahang karanasan noong nagsisimula pa lang siya sa pag-aartista at talagang marami siyang natutunang life lesson mula rito.
Kaya naman ang laging sinasabi ni Mina, sana raw ay hindi maranasan nina Mavy at Cassy ang mga kanegahang na-experience niya noong bata pa siya.
Sabi ng “Babawiin Ko Ang Lahat” lead star, “Bilang nanay, siyempre ayaw ko sana ma-experience nila ‘yung inaapakan sila ng ibang tao or ‘yung kinakawawa sila or ‘yung inaapi sila.
“Pero lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na always be kind, maging respectful sa lahat ng tao and ‘m proud to say na ‘yung mga anak ko kasi mababait talaga, e,” pahayag ng aktres.
Dagdag pa niya, “They are very respectful, so alam ko na magiging okay sila, but I always tell my kids you cannot please everybody, meron at merong maiinis sa inyo, meron at merong mangba-bash sa inyo.
“And I’m also very thankful because ‘yung mga kids ko, especially ngayon with social media you know they have their accounts, mero’n talagang ilang bashers,” lahad pa ng misis ni Zoren Legaspi.
Pagpapatuloy pa niya, “’Yun naman sinasabi ko na hindi puwede mawala ‘yan, because kahit nga ‘yung pinaka-santa, e, may against.”
“Nakakatuwa rin na makita na hindi sila apektado kung may mabasa man silang comments o post mula sa kanilang bashers.
“Buti na lang sila they don’t care. They don’t care as long as wala silang inaapakang tao and they are just minding their own business, okay sila. Hindi sila affected kapag sila ‘yung bina-bash. Affected lang sila ‘pag kami ang bina-bash,” chika pa ng mommy nina Mavy at Cassy na may kanya-kanyang career na rin ngayon sa showbiz.
Nilinaw pa ng Kapuso actress-TV host na hindi naman siya galit sa ng taong nakagawa ng hindi maganda sa kanya noon dahil hindi raw siya ang tipo na mapagtanim ng galit.
“Siyempre ‘di ba, may mga nang-apak din, pero ako naman hindi ako nag-tatanim. Kasi ‘yung sa akin, ang lagi sa akin nasa akin ang huling halakhak, kumbaga ganu’n.”
Dagdag pa niya, “Up to now I’ve been in the industry half of my life and up to now I’m still here. I may not be a superstar, I may not be a megastar but, I’m still here, acting.
“Doing what I love to do and I want to believe that I’m doing good in my craft that’s why siguro nandito pa rin ako,” pahayag pa ng aktres.