DAPAT magbigay ng porsiyento bilang ayuda si Alex Gonzaga-Morada sa mga taga-Pasig City sa kita ng YouTube channel niya dahil umabot na sa mahigit 3 million views ang panayam niya kay Mayor Vico Sotto.
Maraming tanong si Alex na idinaan niya sa biro na ikinagugulat ni Mayor Vico. May mga pagkakataon na natatawa ang alkalde pero minsan ay halatang may inis pero nakangiti pa rin.
Kahapon, Peb. 20 ay sinadya ni Alex si Mayor Vico sa City Hall ng Pasig at inabutan niyang kausap nito ang kanyang security staff.
“Ano ginagawa mo rito?” tanong ng Ama ng Pasig.
“First time ko pong pumunta rito sa munisipyo ng Pasig, may lalakarin po sana ako, kapag okay baka tumakbo na rin ako,” birong sabi ng kapatid ni Toni Gonzaga-Soriano.
“Sige pasok tayo, ito ang main entrance ng munisipyo natin,” paglalarawan ng batang Mayor.
“Para kayong airport (radiation and security scanning) walang ganito sa Taytay,” biro ng aktres.
Natawa lang si Mayor Vico at sabay pakilala sa mga staff niya na nasa registration desk.
“Bakit nga pala nandito kayo, e, Sabado,” tanong ni Alex kay Mayor Vico.“Siyempre nagtatrabaho pa rin kahit Sabado,” katwiran nito.
Natanong kung paano bumangon ang mga taga-Pasig sa panahon ng Covid-19 pandemic o tulong na ginagawa sa constituents ni Mayor Vico.
“Meron tayong TAPAT program, ‘yung tulong at ayudang pampuhunan sa mga taga-Pasig na nagbibigay tayo ng small or micro loans (pinutol ni Alex ang pagkukuwento).”
“May naamoy akong bangus, ano yun?” lilinga-lingang tanong ni Alex.
Natawa pero halatang nainis si Vico, “Puwedeng patapusin mo muna ako? Sa 5 thousand peso loan, sa second year na nila babayaran.”
Ipinakita ang website kung saan makakapag-apply ng loan ang mga taga-Pasig. Pumasok ang dalawa sa Budget Office department sabay tanong ng YouTuber, “Kumusta na po ang mga budget-budget?”
Pero mukhang may pasok nga yata talaga ang munispyo ng Pasig kahit araw ng Sabado dahil maraming tao sa nasabing departamento.
“Saturday nagtatrabaho ang mga empleyado, walang instruction sa akin ‘yan na mag-overtime,” paliwanag agad ni Mayor Vico.
Pero tila dinedma siya ni Alex dahil ang kinausap nito ay ang mga staff, “Bakit po amoy galunggong dito? May naamoy ako, eh, (na ikinatawa ni Vico).”
At nahuli nga kung saan nanggagaling ang amoy ulam (noodles), “Ayan, ayan, nandito pala ang cafeteria n’yo,” saad ng aktres.
Napakamot na lang ng ulo si Mayor Vico, “Matindi pala ‘to. Ha-hahaha! Sa sobrang sipag nila (mga empleyado) dito na sila natutulog (sinakyan din ang biro ni Alex.).”
“January kasi ngayon nagsasara ng libro ng 2020,” sambit ni Mayor Vico.
“Wala akong kaalam-alam diyan,” say naman ng makulit na asawa ni Mikee Morada.
“Basta ‘yun na ‘yun!” hirit ni mayor.
“Ay nagpipirmahan sila ng Mayor’s permit,” hirit pa ng bunso nina Mommy Pinty at Daddy Bono Gonzaga.
“Mayor’s permit? Sa baba (ginagawa) ‘yun,” sambit ni Vico.
“Mayor’s permit pinipirmahan n’yo pala isa-isa ‘yun Mayor?” seryosong tanong ni Alex.
Nagulat si Vico, “Mayor’s permit? Hindi lahat. Grabe naman ‘to. Ilang libo ‘yun? Sampung libo ‘yun paano ko pipirmahan? (sabay paalam na sa budget office staff).”
Ipinakita rin ni Mayor Vico ang command center room sa munisipyo kung saan naroon ang maraming CCTV na sakop ang buong Pasig na 24 oras ding binabantayan.
“Oo, kasi anytime puwedeng magkasunog, puwedeng may disaster,” saad ni Mayor.
“Ay may PBB (Pinoy Big Brother) pala sila rito. Pinoy Big Brother pala sila rito,” paulit-ulit na sabi ni Alex.
“Oo parang PBB,” sang-ayon naman ni Mayor Vico.
At biglang naisip ni Alex na na-late sila ng flight patungong ibang bansa dahil natrapik sila sa Pasig, “Ay may isusumbong pala ako Mayor, sobrang trapik dito sa Pasig.”
“Oo, matrapik talaga dito, totoo naman ‘yun,” pag-amin ni Mayor Vico.
“Na-stuck ako dito 2 hours (Pasig)!” sabi ng aktres.
Payo ni Alex, mamigay ng roller blades ang munisipyo ng Pasig para sa mga nagmamadali.
“Inaayos naman natin ‘yan at feeling ko nga makakatulong ‘yan (roller blades),” sagot ni Mayor.
Tinanong ng aktres kung sino ang nag-udyok para magtrabaho sa gobyerno si Mayor Vico, “Bata pa lang ako gusto ko na talagang magtrabaho sa gobyerno, ewan ko kung kilala mo kuya ko si LA (Mumar).”
“LA Lopez (singer)?” hirit ni Alex na ikinatawa ni Vico.
Pumapatol ba sa bashers si Mayor Vico? “Minsan pero siyempre dapat hindi ka masyadong maapektuhan pero sa isang banda naniniwala ako na dapat basta public servant tinitingnan ko rin ‘yung feedback.”
Natawa na lang ulit si Vico sa tanong kung pumapatol siya sa mga may gusto sa kanya.
Diretsong tanong pa ni Alex, “Gusto mo bang bigyan din ng first lady?”
“Ang Pasig? Well, sa ngayon hindi naman priority ‘yan. Lalo na nu’ng nag-pandemic talagang wala ka nang time. Focus muna tayo sa trabaho,” seryosong sagot ni Mayor Vico.
Inaming hindi rin niya linya ang showbiz talaga at hindi rin siya nakakapanood ng programang “Eat Bulaga” dahil nasa opisina siya ng mga oras na iyon.
May pasalubong na “biko” si Alex kay Mayor Vico at nasambit ng huli, “Sa lahat ng pinupuntahan ko, biko ang pinapakain sa akin. Feeling nila hindi pa ako nakakakain ng biko.”