Heart: Naisip ko na tatanda ako kakaselos, hindi siya nakakaganda

ALIW na aliw kami sa bonggang chikahan nina Maja Salvador at Heart Evangelista tungkol sa usaping lovelife.

Nag-guest ang Kapuso actress sa latest vlog ni Maja at dito nga nila napag-usapan ang kung anu-anong topic na may kinalaman sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Isa sa mga napagdiskusyunan nila ay ang tungkol sa pagseselos ma kadalasang nagiging dahilan ng pag-aaway o paghihiwalay ng mga magdyowa.

Chika ni Heart, “Nu’ng mas bata ako, medyo sensitive ako. Especially kasi artista tayo, so parang you’re legally cheating on each other by kissing other people, ‘di ba?

“Mahirap siya intindihin. But nung tumagal, parang naisip ko na tatanda ako kakaselos. Hindi siya nakakaganda,” sey ng misis ni Chiz Escudero.

Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng bagets ako, nung MU-MU pa with John Prats, ganyan, super habol ako. Mukha akong tanga. Ang pangit pangit ko tuloy tignan.

“Kasi kahit gaano kaganda ang babae, kapag wala siyang self-worth or habol siya nang habol, alam mong lagi lang siya nandiyan, ite-take mo for granted.

“Until one day, sabi ko, I think I’m gonna sit still, hayaan ko sila magkagulo and magmamaganda lang ako,” pagdedetalye pa ng Kapuso star.

Sang-ayon din naman si Heart sa sinabi ni Maja na ang pagseselos ng isang babae ay depende na rin sa mga lalaki.

“Nu’ng bata-bata ako, grabe rin akong magselos tsaka clingy kasi ako. So kapag mga three days walang paramdam, iba na ang feeling. Pero nag-mature na naman ako, kaya mga five days na ang maximum,” kuwento ni Maja.

Aniya, sa relasyon niya ngayon kay Rambo Nunez, hindi na siya masyadong nagseselos dahil mismong boyfriend niya ang nagbibigay sa kanya ng assurance na wala siyang dapat ipag-alala.

“Ako rin, I am with somebody who is mature, who is very wise. Parang it’s all about reassurance. Wala akong selos, selos,” sey ni Heart na ang tinutukoy nga ay ang mister niyang si Chiz.

“Ako, mas complicated ako kasi he was married before, he has two kids so it’s really hard to understand especially napaka-immature ko noon. Pero ngayon, I feel na I’m different and mas nakakaganda talaga yung confident ka,” dagdag pa niya.

Hiningan naman ni Maja si Heart ng ilang tips sa mga taong napapraning kapag lovelife na ang pinag-uusapan, partikular sa issue ng selosan at pagtitiwala.

“Ako, grabe ako mag-overthink. Grabe din yung anxiety ko. Lately, kalma na ako. It’s all about ano naman din kasi, minsan kapag gabi, huwag ka na mag-social media.

“Kasi yung output ng lahat ng tao, kahit hindi mo nada-digest, unconsciously, pumapasok siya sa utak mo. So nagiging busy yung utak mo,” payo ng aktres.

Pahabol pa ni Heart, kasama talaga sa pagmamahal at pakikipagrelasyon ang masaktan, “Kasama na yun du’n. But at the same time, hindi lang din naman siya sakit.

“Masaya din naman siya. Masakit siya because may mga kailangan kang aralin sa sarili mo na ‘Babaguhin ko ba ito? Ano bang gusto ko? Kaya ko ba i-take ito?’ Barometer ang love.

“Doon mo nakikilala at doon nade-develop yung character mo as a person. Iba din ang nagagawa ng love sa life. Whether it was good or it was bad, all is fair in love.

“Love for yourself wins. At the end of the day, kasi kung hindi ko napagdaanan lahat ng pinagdaanan ko, baka hindi rin ako worthy na makasama yung asawa ko ngayon dahil napakabuti din niya. It all makes sense,” ang punto pa ng Kapuso actress.

Read more...