RAYVER: Hindi taksil na girlfriend si CRISTINE!


DINIRETSO namin ng tanong si Rayver Cruz sa ginanap na presscon kamakailan ng bagong Primetime Bida serye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin – alam ba niya na matagal nang may namamagitan sa ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes at sa kaibigan niyang si Derek Ramsay, oo raw, nakikita raw kasi niya sa Instagram.

Walang problema sa binata kung magkatuluyan man ang dalawa, maayos naman daw silang nag-break ni Cristine kaya wala siyang masasabing masama sa dalaga, at lalo na kay Derek. Hindi rin daw siya nagseselos.

“Hindi naman, alam ko magkaibigan sila, if ever man na mag-end up sila together, bakit naman hindi, Derek is a decent guy, mabait siyang tao alam kong maalagaan niya si AA (palayaw ni Cristine), siyempre napaka-mature niyang tao and ang hirap kontrolin, ang hirap pigilan kapag nagkagusto ko sa isang tao na past (ex) pala ng kaibigan ko, so wala namang kaso basta’t wala ka lang tinatapakan o sinasagasaan,” sey ng binata.

Sa tanong namin kung naging faithful si AA nu’ng magkarelasyon pa sila ay kaagad naman kaming sinagot ni Rayver ng, “Oo naman, lahat naman alam ko kasi sinasabi niya sa akin.”

Pero biniro namin siya ng, “Naniwala ka naman?” At natawa lang sa amin ang binata.

( Photo credit to Google )

Read more...