RAYVER CRUZ may pagnanasa kay DINA BONNEVIE


Samantala, binalingan naman namin si Rayver Cruz, feeling ba niya si Derek Ramsay ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Cristine?

“Walang third party, kasi kung may third party, I’m sure hindi kami ganito, hindi kami magpapansinan o magkakailangan ni AA (palayaw ni Cristine).

“Hindi ko pinagselosan, ‘yun ang one thing sa akin, hindi ako seloso kasi kaibigan ko si Derek at kami pa ni Cristine, tumatambay kami sa bahay niya, sila pa ni Angelica (Panganiban) no’n at kasama ko nga si Derek sa Hero’s Ball with Gerald at walang isyu sa akin,” katwiran ng aktor.

Diniretso namin ng tanong si Rayver kung alam niyang sina Cristine at Derek na, “Oo, nakikita ko sa Instagram, walang kaso sa akin.”

Inamin ni Rayver sa presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin na type na type niya ang beauty ni Dina Bonnevie, bumili pa raw siya ng FHM ni Ms. D.

Read more...