MAGSASAMA-SAMA sa kalulunsad pa lang na MOR entertainment ng ABS-CBN ang Kapamilya talents mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.
Bukod sa paghahatid ng nakaaaliw na usapan at chikahan, hangad din nila ang mai-promote ang OPM at maghatid ng mga kwento para sa kasiyahan ng mas maraming Pilipino gamit ang iba’t ibang digital platforms.
Handog ng MOR Entertainment ang daily talk show na “Good Time ‘To,” kasama sina Ateng Jeri B at Bong Bastic mula sa Luzon, Macky Kho galing Visayas, at Mary Jay mula Mindanao. Mapapanood ang programa tuwing 9 a.m., Lunes hanggang Biyernes tampok ang mga balita, usaping lifestyle, showbiz, mga laro, at syempre pa, musika.
Dapat abangan ang interview ng apat na hosts sa kanilang celebrity guest sa segment na “#GoodTimeTalk,” ang tatlong pinakamaiinit na balita sa bansa sa “eBalita” kasama sina Ateng Jeri B at Bong Bastic, at ang pinakabagong showbiz chika ni Mary Jay sa “eShowBuzz.”
Sa segment na “Bida ka, KaMORkada” naman, ibibida ni Macky Kho ang mga pinakanakakatawang TikTok videos na ipinadala ng mga manonood, habang tampok naman sa “Concert Natin ‘To” ang mga matitinding performances ng Kapamilya stars mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN.
Samantala, tuloy sa paghahatid ng mga totoong kwento ng pag-ibig, saya, at lungkot ang fan-favorite na “Dear MOR” kasama ang bagong duo na sina Popoy at Betina Briones na magbabasa ng mga sulat na ipinadala ng mga kaMORkada at magbibigay ng mga palagay at komento nila habang nakikipag-usap sa mga manonood.
Mapapanood ang “Dear MOR” live sa Facebook at kumu tuwing 12 noon, Lunes hanggang Huwebes, at dapat ding abangan ang highlights nito sa YouTube channel ng MOR. Ang clean podcast version na may full production ng bawat episode ay iu-upload kada Biyernes sa “Dear MOR: The Podcast” sa Spotify na sa kasalukuyan ay kabilang sa Top Podcasts chart ng Spotify Philippines.
Ang iba pang weekday offerings na mapapanood live sa Facebook at kumu ng MOR Entertainment ay ang one-man comedy show ni Kokoy na “kumuKokoy” tuwing 10 a.m.; tambayan at pasiklaban ng talento sa programa ni Macky Kho na “MORkadahan” tuwing 2 p.m.; at nakakatuwang sumbungan at diskusyon kasama ang alter ego ni Daddy Sarge na si ‘Medem’ sa “Lagot Ka Kay Medem!” tuwing 4 p.m..
Susundan ito ng puno ng good vibes na programa ni Onse para sa masa na “143 For Life” pagsapit ng 5 p.m.; non-stop tugtugan naman sa “MOR Playlist” tuwing 7 p.m.; at pagbibigay-payo ni Chico sa “SLR” tuwing 9 p.m..
Handang-handa na ang buong pamilya ng MOR Entertainment kasama sina Ateng Jeri B, Betina Briones, Bong Bastic, Chico, Chinaheart, Daddy Sarge, David Bang, Erick D., Jacky G, Kisses, Kokoy, Grasya Pantasya, Macky Kho, Mary Jay, Master James Spider, Nicki Morena, Onse, Popoy, at Tito Son na magdala ng saya at katatawanan sa mga manonood saan mang panig ng mundo.