KUNG may isang bagay na talagang maipagmamalaki ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz na natutunan niya noong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya, yan ay ang pagsusulat ng Japanese at Korean.
Ilan lang yan sa mga pinagkabisihan ng dalaga sa panahon ng COVID-19 pandemic na maituturing niyang bonggang achievement na matagal na raw niyang gustong mapag-aralan.
Sa isang panayam kay Arci, naikuwento niya ang mga naging kaganapan sa buhay niya last year. Aniya, isa sa mga pinakamaligayang araw ng kanyang 2020 ay ang nagdaang Pasko.
Aniya, sa kabila ng mga kanegahang nangyari last year, nagawa pa rin nila ang kanilang Chritsmas tradition, ang mag-celebrate nang sama-sama.
Dito rin naikuwento ni Arci na siya na lang daw ang walang asawa at sariling pamilya sa kanilang magkakapatid kaya feeling niya nahuhuli na siya sa biyahe.
“It’s always been my tradition also na every holiday I spend it with my family. So medyo nahuhuli na ako. Lahat ng kapatid ko may pamilya na, ako na lang ang wala so I still want to keep the festivities alive at home.
“I still want us to celebrate it all together. So that’s what we did, a simple gathering at home. ‘Yun, for me, is more than enough as long as kasama ko ‘yung pamilya ko,” lahad ng aktres.
Ayon pa sa isa sa mga bida ng Kapamilya series na “Walang Hanggang Paalam”, mas nakilala pa raw niya ang kanyang sarili last year at naging mas matapang sa pagharap sa mga pagsubok dahil sa hamon ng pandemya.
“For me, my best learning nu’ng 2020 is really to enjoy your life. I learned to appreciate the smallest things. And during trying times talaga, dun tayo nasusubukan kung gaano tayo katibay bilang isang tao.
“I believe 2020 made me really stronger. I look at things differently now. Though I was always naman live life to the fullest. I’m always like that.
“But what I’ve realized last year ay you really have to set your priorities, that tomorrow is not really certain,” chika pa ng dalaga.
Natutunan din daw niya kung gaano kahalaga ang bawat minuto ng buhay kaya hangga’t may opportunities at pagkakataon na maabot ang iyong pangarap, go lang nang go.
“So if you can do it now, whatever you love the most, do it now, do it responsibly. Ako naman kasi I always grab opportunities and I really set goals.
“So nu’ng 2020 sabi ko ‘Oh my gosh. I really have to achieve that goal as soon as possible,” sey pa ng aktres.
“Life is really short, if you’re going to realize talaga and that’s what 2020 taught me. Tsaka mag-Zoom meetings, maging medyo techy.
“Hindi lang ‘yun (zoom meetings), eh. Natuto pa ako mag-shoot, mag-setup ng ilaw kasi kami ang nag-shu-shoot sa mga sarili namin sa bahay, ‘di ba?” dagdag pa niyang chika.
Pero ang talagang ipinagmamalaki niya ay ang pag-aaral niya dalawang writing systems ng Japan at ng Korean, “Natuto din ako magsulat ng Hiragana, Katakana (Japan) tsaka magsulat ng Hangul (Korea).”
Super fan si Arci ng Japanese manga series “Sailor Moon” at isa rin siya sa milyun-milyong Pinoy fans ng South Korean boy group na BTS.