Dito inatasang ihinto ang ‘ilegal’ na pagtatayo ng cell site sa Bacolod City

Dito Telecommunity

Inatasan ng lokal na pamalaan ng Bacolod City ang Dito Telecommunity na ihinto nito ang pagtatayo sa isang barangay ng siyudad dahil wala umano itong permiso.

Nag-isyu ang Office of Building Official ng pamahalaang-lungsod ng notice of violation sa Dito Telecommunity dahil sa umanoy ilegal na pagpapatayo ng cellsit sa  Purok Himaya, Barangay Alijis sa naturang lungsod.

Inisyu ang notice noong nakaraang Pebero 16.

Ayon kay Engr. Nestor Velez, head ng Office of Building Official, nilabag ng DITO, ang third telco player ng bansa, ang Section 301 ng PD 1096 o ang National Building Code of the Philippines.

Isa sa mga probisyon sa batas ay, ”no person, firm or corporation, including any agency or instrumentality of the government shall erect, construct, alter, repair, move, convert or demolish any building or structure or cause the same to be done without first obtaining a building permit therefor from the Building Official assigned in the place where the subject building is located or the building work is to be done.”

Agad na ipinahihinto ang konstruksyon ng cellsite at binigyan ang Dito ng tatlong araw para makipag-ugnayan sa opisina ni Velez.

Una nang umalma ang mga residente ng lugar at sumulat sa mga lokal na opisyal para pormal na iparating ang kanilang pagtutol sa aktibidad ng Dito Telecomnunity.

Isinumite rin nila ang resolusyon na pinirmahan ng mga tumututol na residente na nangangamba sa epekto ng over-saturation ng electromagnetic at wireless radiation exposure sa kalikasan.

Noong nakaraang Disyembre lang, kinasuhan ng pamahalaang-lungsod ng Malabon ang Dito Telecommunity dahil sa sinasabing ilegal na pagpapatayo ng cellsite sa Barangay Tinajeros.

Read more...