#GlobeofGood: Globe nagtayo ng COVID-19 testing facility para sa mga empleyado nito

Itinayo ng Globe ang isang COVID-19 testing facility para sa mga empleyado nito at kanilang mga pamilya.

Ang “Globe Labs” na aprubado at sertipikado ng Department of Health ay magbibigay ng mabilis, maayos at abot-kayang pagsusuri sa COVID-19 para sa 13,000 empleyado ng Globe Group at kanilang mga pamilya. Saklaw din ng swab test pati ang mga manggagawa ng mga partner vendor at managed services.

Ang laboratoryo para sa Polymerase Chain Reaction (PCR) na matatagpuan sa Mandaluyong City ay nag-aalok ng mga serbisyong diagnostic para sa COVID-19 gaya ng swabbing at pagproseso ng nakolektang ispesimen. Ang mga resulta sa testing ay makukuha sa pamamagitan ng email sa loob ng 24 na oras.

Ang Globe Labs ay may kapasidad na higit sa 300 mga test bawat araw, at kung kinakailangan, maaari itong lakihan hanggang 800 tests kada araw.

Bilang paghahanda para rito, lumikha ang Globe ng sarili nitong Laboratory Information System (LIS), isang online portal na gagamitin para iiskedyul ang mga test. Gagamitin ang LIS para makuha ang profile ng empleyado, gumawa ng appointment, at magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19.

Ang testing ay isasagawa sa mga empleyado na naitalagang “critical workforce”, mga tumutulong sa paghahanap ng mga taong maaaring naapektuhan ng COVID-19, at sa mga nagpapakita ng mga sintomas ng sakit. Walang bayad ang test para rito.

“Ang kalusugan ng aming mga empleyado at mga partners ay binibigyan namin ng importansya at pagpapahalaga. Tinitiyak namin na nananatili silang ligtas at malusog para tuloy na makapaglingkod sa aming mga customer. Ginagawa ng Globe ang lahat ng makakaya nito para maibigay sa kanila ang mga kinakailangang tulong at pasilidad tulad ng Globe Labs, para rin sa kanilang ‘peace of mind’ lalo na sa panahon ng pandemya,” ayon kay Renato Jiao, Chief Human Resource Officer ng Globe.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ang Globe ng mga hakbang na nauugnay sa COVID-19 para matiyak na ang mga manggagawa at mga stakeholder nito ay protektado mula sa virus. Noong nakaraang taon, nagsagawa ang kumpanya ng isang serye ng pag-screen ng COVID-19 para sa mga frontliner nito. Layun din nitong matulungan ang gobyerno na hanapin, ihiwalay, at pangalagaan ang mga tinamaan ng COVID-19.

Nag-ambag din ang kumpanya sa pasilidad ng AC Health para sa COVID-19 para matulungan ang mga empleyado at ang kanilang mga pamilya na maaaring mahawaan ng virus. Patuloy ding sinusunod ng Globe ang mahigpit na mga protokol ng kalusugan na nakasaad sa mga alituntunin ng gobyerno para sa mga babalik sa trabaho.

Patuloy na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular, ang UN SDG No. 3 ukol sa pagsusulong ng mabuting kalusugan at well-being. Para malaman ang iba`t ibang mga adbokasiya ng Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html#gref

Read more...