John Lloyd sa pagiging tatay: Para kang nagkaroon ng bagong buhay

MUKHANG seryoso na nga ang pagbabalik sa showbiz ng Box-Office King at award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Lloydie, imposibleng talikuran niya ang entertainment industry at napakarami pa raw niyang gustong makatrabahong artista at direktor sa mundo ng showbiz.

Sa pagharap muli ng aktor sa publiko sa pamamagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) YouTube channel “Uncut”, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa pagbalik niya sa pag-arte.

Dito, natanong ang binatang ama sa one-on-one interview sa kanya ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas tungkol sa bago niyang pelikula under director Lav Diaz, ang “Servando Magdamag” (na base sa short story ni Ricky Lee tungkol sa pamilya ng landlords at history ng violence sa bansa).

“Tapos na (ang movie), post-production na lang, I was told. Imposibleng talikuran ko ang project, napakagandang opportunity. When I read Ricky’s book, napako na ako, di ‘ko na binitawan!” paliwanag ni Lloydie.

Aniya pa, marami siyang na-rediscover sa mundo ng filmmaking, “It’s a good time na balikan uli ‘yung puwedeng i-improve, ano ‘yung mali na puwedeng itama.”

Nabanggit din niya sa nasabing panayam na, “Marami pa akong gustong makatrabaho. Masarap magtuluy-tuloy sa trabaho dahil marami pang pagkakataon. I was told about new talents who have lots of potentia, I don’t want to miss that!”

Sa isang bahagi ng video, naisingit din ni Chair Arenas ang tanong na,  “How did your life change nung dumating sa buhay mo yung anak mo?”

Tugon ni John Lloyd, “Siyempre ano, para kang nagkaroon ng bagong buhay.”

Sa tanong naman kung ano ba ang pangarap niya para sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias na magtatatlong taong gulang na ngayon, marami raw siyang naiisip na magandang bagay para sa bata, pero kung ano raw ang gusto ng anak niya ay susuportahan niya.

“Hindi ko alam kung big na yun para sa akin. I’m sure yung dreams niya will be so much bigger, ‘no.

“Pero para sa akin, magawa lang niya kung ano talaga, kumbaga, hangad ng damdamin niya or kung ano ang gusto niyang gawin.

“Kung gusto niya maging astronaut, kung gusto niya maging tambay, kung anong gusto niyang gawin, kumbaga, susuporta lang ako.

Read more...