DEREK nilamon ang ipinangakong hinding-hindi papatulan si CRISTINE


NOW that he has admitted na magdyowa na nga sila ni Cristine Reyes ay inamin din ni Derek Ramsay na kinain niya ang nauna niyang pahayag na non-showbiz ang type niyang maging girlfriend at gusto niyang gawing private ang kanyang lovelife.

Ang isa pang hindi napanindigang statement noon ni Derek ay ang sinabi niyang hindi siya makikipag-date kay Cristine dahil isa itong kaibigan.

When a Twitter follower chided him for not standing up by his previous statements about Cristine ay inamin kaagad ng hunk ctor ang kanyang pagkakamali, “I did say that ill never date someone from showbiz and that id never date cristine coz she is a friend.

I eat my words,” esplika niya. Nagtataka lang kami sa timing ng pag-amin ni Derek. Kasi naman, meron silang ginagawang movie together ni Cristine.

Isa pa, merong bagong soap opera si Cristine kaya naman hindi kami magtataka kung merong mag-iisip na talagang perfect timing ang ginawang pag-amin ng hunk actor.

Siyempre nga naman, magkakaroon ng media hype sa romance ng dalawa at damay ang show nila. Pero hindi kami nagtataka kung umamin man si Derek.

Obvious naman from the very start na there’s something romantic between them. Naku, ang mga artist talaga, hindi na nagbago ng diskarte. Ang itinanggi noon ay inaamin na ngayon.

( Photo credit to Google )

 

Read more...