DIREK JOEL: Ibunyag ang kaipokrituhan ng mga paring malalaswa!

Nakakaloka ang aria ni direk Joel Lamangan sa kanyang Facebook account. Matapang ang kanyang mensahe at naka-address ito sa mga pari.

“Ang dapat pag aralan ng simbahan ang sarilli nitong mga problema sa temang moralidad kagaya ng mga paring nang-aabuso ng mga kabataan, mga paring may asawa na inagaw sa iba, mga paring ginagamit ng mga politiko sa paggawa ng mas malaswang bagay gaya ng pagtatakip sa mga katotohanan gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Mga paring tagapagtanggol ng mga mangungulimbat, ng mga sinungaling, mga tagapagtakip ng katotohanan, mga paring itinatago sa abito at sa pulpito ang kanilang mga di makataong pang lilinlang sa mga mamamayan!

Huwag pakialaman ang mga palabas na nagsisiwalat ng kontemporaryong katotohanan!” walang takot na pahayag ni direk Joel sa kanyang FB account.

“Isang maliwanag na dahilan kung bakit ganito kahirap ang bayan ay dahil sa mga makalumang paniniwala na itinuturo ng simbahan! Di na tayo natuto ilang Damaso pa ba ang kailangang manakot sa atin ng impiyerno bago tayo mamulat na ang impiyernong sinasabi ay ang kamangmangan na pinamamarali ng simbahang katoliko!

“IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA MALAYANG PAGPAPAHAYAG!! IBUNYAG ANG KAIPOKRITUHAN NG SIMBAHAN!” dagdag pa ng palabang direktor.

Actually, hindi namin friend si direk Joel sa Facebook, meron lang isang nag-repost ng maanghang na litanya niya na nagkataong isa sa FB friend namin kaya nbsa namin ito.

Si direk Joel nga kaya ang nag-post ng maanghang na mensahe o meron siyang alter ego sa FB?

( Photo credit to Google )

Read more...