Lito Bautista, Executive Editor
SIGE oposisyon. Sige Komunista. Gatungan pa ninyo ang apoy ng galit. Apoy pa, para mag-alsa ang madadarang at maniniwala sa inyo.
Pagkatapos ng pagpapalutang sa military junta, na madaling ibinasura ng mismong militar, kinakalkal naman ngayon ang Supreme Court justices na hinirang ni Pangulong Arroyo. Hinirang nga ni Arroyo si Antonio Carpio, na dati nilang kaalyado. Pero, nasaan na siya ngayon?
Ayaw paganahin ng mga humihila sa gobyerno pababa ang kanilang memorya noong panahon ni Marcos, na lahat ng mahistrado ay tapat kay Marcos at maliban sa isa ay nanatiling iginalang ang panguluhan bagaman salungat ang kanyang mga pananaw sa kalakaran.
Kung hinirang man ni Marcos ang kanyang nais, ito’y ayon pa rin sa batas. Kung hinirang ni Arroyo ang kanyang nais sa SC, base sa susog ng Judicial and Bar Council, naaayon pa rin ito sa batas.
Ano’ng inirereklamo ng oposisyon at Komunista?
Bandera, 032310