Liza Dino, Vivian Velez nagkasundo para sa ikauunlad ng movie industry; FAN 2021 ng FDCP tuloy na

HINDI aware si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na makakatapat ng Film Ambassador’s Night ang “Freedom” concert ni Regine Velasquez sa Peb. 28.
Ibig sabihin kasi ay mahahati pa ang audience para sa dalawang event. Pawang magaganda rin kasi ang production numbers na inihanda ng FDCP para sa kanilang proyekto.

Noong Peb. 14 pa sana ang digital concert ng Songbird ngunit ni-reschedule nga ito dahil nag-positive sa COVID-19 ang staff ng show kaya kinailangan ding mag-quarantine si Regine. At nang magnegatibo na sa virus ay in-schedule na agad ang “Freedom” sa  Peb. 28.

At makakasabay nga nito ang live streaming ng FAN 2021 (Film Ambassador’s Night) sa Linggo, 8 p.m., sa FDCP Channel.

Nasa ikalimang taon na ang taunang awards na ito ng FDCP na kumikilala sa mga natatanging personalidad ng Philippine Cinema.

“Filipino film industry creatives, artists, filmmakers, and films of various formats that gained recognitions from established international film festivals and award-giving bodies in the past year,” ang mga bibigyang parangal sa FAN 2021, ayon kay FDCP  Chairperson Liza Dino.

Maraming malalaking pangalan sa showbiz industry ang pararangalan dito, tulad nina Angel Locsin, Dindong Dantes, Arjo Atayde, Alden Richards, Ms. Gloria Romero, ang Inter-Guild Alliance (IGA) at marami pang iba.

Sa mga filmmaker naman nandiyan sina Lav Diaz at Rafael Manuel na  nasa listahan ng “A-Listers,” o iyong mga nakapag-uwi ng tropeo mula sa ilang major festivals ng International Federation of Film Producers Associations.

Nanalo si Lav Diaz ng Orizzonti Award bilang Best Director para sa “Lahi, Hayop (Genus Pan)” sa 77th Venice International Film Festival sa Italy, samantalang si Manuel naman ay nakatanggap ng Berlinale Shorts Silver Bear Jury Prize para sa “Filipiñana” mula sa 70th Berlin International Film Festival sa Germany.

Sa actors category ay nanalo si Arjo bilang Best Actor para sa iWant TFC’s “Bagman” sa 3rd Asian Academy Creative Awards sa Singapore habang si Alden ay nakatanggap ng Asian Star Prize para sa Star Cinema movie na “Hello, Love, Goodbye” mula sa Seoul International Drama Awards.

Cinemaadvocates naman ang pagkilala kay Angel kasama sina Dingdong Dantes at Pangasinan 4th district Rep. Christopher de Venecia.

Sa ginanap na virtual mediacon ng FDCP kahapon,  sa pangunguna ni Chair Liza ay nagulat pa siya nang banggitin sa kanya na magkasabay nga ang FAN at “Freedom” concert ni Regine.

“Ay ano pong concert? Hindi ko nga po alam na may concert si Ate Regine,” gulat na sabi ni Ms. Liza.

Ipinaliwanag sa kanya na na-postpone, “’Yung goal po namin kaya February 28 para magkaroon kami ng enough time na maayos at ang goal is kailangan within the Artists month pa rin.
“January 15 actually, we decided sa meeting na February 28 ang FAN.  Normally we do it February 9, pero ‘yun nga po next Sunday is Valentines Day kaya hindi rin puwede so we decided na end of the month.

“But iba naman po ang audience ni ate Regine, baka nga po manood din ako ng concert. Ha-hahaha! Kasi fan din ako,” masayang pahayag ni Chair Liza.

Samantala, nabanggit din niya na okay na sila ni Film Academy of the Philippines (FAP) President Vivian Velez na isa rin sa Board of Trustees ng FDCP.

“We have our monthly Board of Trustees meeting, and that’s where we actually get the chance to talk.

“Hindi naman sa hindi kami nagkakasundo, pero she has reservations on some of the programs that we have. But we never stopped talking. And I think that’s super-important na the dialogue must continue, and kailangan na makarating kami sa common ground.

“Kasi, at the end of the day, alam ko rin naman na ang gusto talaga niya ay makatulong sa industry. Magkaiba lang kami ng pinanggagalingan, at magkaiba kami ng paraan kung paano namin ia-approach ito.

“Tuwang-tuwa po ako. I’m very, very humbled during our last group meet. Kasi siguro, dahil 2021, tapos lahat kailangan talagang magtulungan, e,” masayang kuwento pa ni Ms. Liza.

Read more...