Mariel nadiin sa blind item ni Ivana, binalaan ni Ogie: Makinig ka sa akin, ‘wag kang magsasalita dahil…

IPINAGTANGGOL ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz si Mariel Rodriguez-Padilla na nadidiin ngayon sa isang pa-blind item ng sexy star-vlogger na si Ivana Alawi.

“Ako kilala ko si Mariel, kung merong mega PR diyan, si Mariel. Hindi ko lang alam sa iba sa akin kasi mega PR si Mariel, so hindi ko alam kay Ivana nu’ng araw. Paano kung hindi naman si Mariel ‘yung M na tinutukoy?” ang paliwanag ni Ogie tungkol sa isyu na ang asawa ni Robin Padilla ang itinuturong “M” na TV host na nambastos daw kay Ivana noong nag-guest ito sa “It’s Showtime.”

Napag-usapan ito ni Ogie at ng partner niyang si Mama Loi sa kanilang Ogie Diaz Update na in-upload kahapon sa YouTube, dahil marami ang nagtataka kung bakit hindi raw nagre-react si Mariel sa paratang ni Ivana.

Sa tanong ni Mama Loi kung halimbawang siya ang manager ni Mariel ay ano ang ipapayo nito sa dating host ng “It’s Showtime.”

“Anong ipapayo, kung magsasalita siya o hindi? Ipapayo ko hindi!  ‘Mariel makinig ka sa akin, huwag kang magsalita kasi letra lang ‘yung sinabi ni Ivana. Ang pangalan mo Mariel, hindi ka si M,’” paliwanag ng talent manager nina Liza Soberano at Enrique Gil.

“Sa tingin mo ba si Mariel Rodriguez nga kaya ‘yan (letrang M),” balik-tanong ni mama Loi kay Ogie.

“Hindi natin alam kasi unang-unang sino tayo para mag-claim kung si Mariel ‘yun? E, ‘yun ngang nagsabi letra lang sinabi so paano tayo magko-conclude na si Mariel ‘yun?” katwiran ni Ogie.

Actually pareho kami ng punto ni Ogie bakit nga naman magre-react ang isang tao kung hindi naman siya pinangalanan nang diretso?  Mag-react ba sa blind item?

Samantala, naikuwento ni Ogie na si Ivana pala ay dating estudyante niya sa Ogie Diaz Acting workshop at ang pangalan pa nito noon ay Mariam Ilawi.

“Makinis na talaga ‘yung bata noon pa in fairness. Tapos tanda ko may inireklamo siya na isang manager na parang niloko siya ng P80,000.  Anyway, hindi ko alam kung sino ‘yung talent manager na ‘yun,” balik-tanaw ng talent manager.

Nakitaan na pala noon ni Ogie ng potential si Ivana pero bakit hindi na lang siya ang nag-manage sa dalaga.

“E, hindi. Kung talagang nakatadhana sa palad mo na kayo ‘yung magkakatuluyan, di ba kayo. Pero kung hindi, e, happy na rin ako kay Ivana kasi na-reach niya ‘yan at siya ang gumawa ng pangalan niya,” sabi pa ni Ogie.

Read more...