Gio Alvarez proud daddy sa 5 anak; Kate, Arra maraming pasabog sa ‘TBATS’

LIMA na ang anak ngayon ng award-winning character actor na si Gio Alvarez at turning 2 years old na ang kanyang bunso.

Masayang ikinuwento ng dating matinee idol na nagsimula rin noon sa “Ang TV” ng ABS-CBN, ang pagiging tatay sa lima niyang kids sa online talk show ni Paolo Contis na “Just In.”

Dito ipinakilala ni Gio sa mga manonood ang kanyang mga anak na sina Kaylene (23), Ramon (21), Bella (18), Jaba (11) at ang bunsong si Matilda.

Kinumusta ni Paolo si Gio kung paano ba ang magkaroon ng maraming anak at totoo bang binago nito ang mga pananaw niya sa buhay.

“Even before pa, ganyan naman kasi ang aking (kinalakihan). Kasi marami kami sa pamilya, eh. Lima rin kaming magkakapatid, also my mother’s side na relatives and my father’s side madami na rin. So we’re used to big families,” pahayag ng aktor na isa sa cast members ng bagong Kapuso series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Chika pa niya, “Kahit kay Tito Dolphy, because Tito Dolphy is also my second dad, marami rin kami doon. Noong nagkaroon na ako ng five kids, it’s not too far from what I’m used to. It’s really good. Actually, fun, super fun.”
Nakasama noon ni Gio ang yumaong Comedy King sa Kapamilya sitcom na “Home Along Da Riles”.

Inusisa rin kay Gio kung may gusto pa ba siyang gawin bukod sa pag-aartista, “Well, ang dami eh, kasi marami rin akong natutunan na gawin growing up.

“Marami na rin akong gusto at puwedeng gawin pero walang kasing-gusto sa pag-aarte at sa pagke-create ng films or shows. So I guess this the most that I really want to do. Kasi may goal talaga akong maging direktor,” sey pa niya.

May mga natanggap na ring acting awards si Gio, kabilang na ang Best Supporting Actor trophy niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 para sa pelikulang “I’m Ellenya L.”

* * *

Ilang juicy revelations ang ibabandera nina Kate Valdez at Arra San Agustin sa bonggang pagbisita nila sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ngayong darating na Linggo, Feb. 21.

Sina Kate at Arra ang magiging special guests nina Boobay at Super Tekla sa isa na namang riot at nakakalokang episode ng top-rating at laging trending na Sunday comedy show ng GMA.

Unang sasalang ang dalawang Kapuso stars sa segment na “May Pa-PressCon” kung saan ang usapan ay iikot sa pag-ibig at kanilang relationships. Ikukuwento nila ang kanilang ideal guy at pati na rin ang kanilang worst date.

Kasunod nito, maha-hotseat naman sila sa isang “Jojowain o Totropahin” challenge kung saan aaminin nila kung sino sa Kapuso leading men ang may pag-asa sa kanilang mga puso o mananatili sa friend zone.

Samantala, shookt naman ang drama ng fun-tastic duo sa “Dear Boobay and Tekla.” Makakatanggap sila ng isang liham mula sa isang babaeng nagngangalang Michelle.

Nais na raw kasinnitong makipag-ayos sa kanyang dating nobyo. Sounds familiar ba? Ano kaya ang masasabi ni Tekla tungkol dito na siguradong relate na relate sa nasabing eksena?

Makikipagkulitan din ang members ng The Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Jessa Chichirita sa “TBATS.”

Tuloy-tuloy lang ang laugh trip kahit may krisis kaya tutok na sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

Read more...